Ang munting bata ay patuloy lamang itong minasdan na nakangiti, at sinabi sa walang
muwang na boses:
"Maging mabait ka munting kuneho, hayaan mo akong haplusin ka kahit kaunti at hahayaan
kitang kainin ang karot. Talagang napakasarap nito."
Ang mga kawal na naroon upang magbantay sa His Majesty ay dalisay na napangiti nang
masaksihan ang walang muwang na kilos ng kanilang Emperor, walang bahid ng malisya sa
mga ito.
Tila naintindihan ng kuneho ang sinabi ng munting bata habang minamasdan ang karot at
itinaas ang mata nito upang tingan ang munting bata bago ito lumundag ng bahagya upang
makalapit.
Ngunit sa sandaling mahahawakan na ng munting bata ang kuneho, ang tunog ng magaan na
mga yabag ang lumabas mula sa kakahuyan. Ang mga kawal na may mga ngiti sa mukha ay
biglang pinalis ang kanilang mga ngiti, ang mga tangan nilang espada sa kamay ay inihanda,
upang mabagsik na harapin ang kung sinuman na paparating!
Bigla, isang maliit at balingkinitang anyo ang naglakad palabas sa kakahuyan.
Isa iyong binata na nasa labinlimang taon. Ang hitsura ng binata ay hindi tanyag maliban sa
pares ng malamig at malinaw na mata.
Sa sandaling nagpakita ang binata, ang kuneho na handa na tanggapin ang "tukso" ay biglang
tumalikod at tumakbo patungo sa binata. Ang munting bata na nakaunat na ang kamay at
halos hahaplusin na ang kuneho ay nawalan ng panimbang sa gulat at natumba paharap sa
lupa, ang bibig niya ay napuno ng damo, habang isang bahagyang puting liwanag ang minsang
kumislap sa katawan ng munting bata…
"Sino ka!?" Isang opisyal mla sa mga kawal ang biglang sumigaw upang magtanong.
Ang binata ay lumingon upang tapunan siya ng tingin ngunit hindi nagsalita, sa halip ay
yumuko ito upang damputin ang kuneho na nagtatakbo pabalik at buhatin sa kaniyang braso.
"Matakaw."Saad ng binata habang pinandidilatan iyon, pinagsabihan ang matakaw na kuneho
na tumakbo upang maghanap ng pagkain.
"Meh!" Unga ng isang munting bilugang tupa na nakasunod sa likuran ng binata, tila sinundan
ang kaniyang Master na kagalitan ang kuneho.
Ang kuneho ay tila napagtanto na may ginawa siyang mali kaya't mahigpit nitong niyakap ang
kaniyang malalaking tainga papunta sa mukha, kiming nagtago sa yakap ng binata, walang
balak na itaas ang ulo.
Ang mata ng binata ay dumako sa grupo ng mga armadong kawal at walang intensyon na
magtagal pa doon, ang binata ay agad tumalikod upang umalis habang karga ang kuneho.
Ngunit sa sandaling iyon, isang musmos at munting boses ng bata ang narinig sa kaniyang
likuran!
"Erm… Pwede ba… payagan mo ako na mahawakan siya kahit isang beses… bago ka umalis…"
Dahil kailangan niyang idura ang isang subo ng damo, ang munting bata ay inangat ang
kaniyang ulo at nagmakaawa. Halos mahahawakan na niya kanina ang kuneho.
Nang marinig ng Grand Tutor ang His Majesty na sinabi ang mga salitang iyon, ay wala siyang
nagawa kundi ang itago ang mukha sa kaniyang palad.
Ang binata na naglalakad na palayo ay biglang huminto at lumingon upang tingnan ang
munting bata na nakabukaka pa rin sa lupa, ang mukha nito ay puno ng pag-asam at animo'y
inapi ito, ang sulyap ni Jun Wu Xie ay lumipat upang masdan ang nakataas na puwitan ng
munting bata na nanatili sa ere.
Sa ibabaw ng sedang roba, isang kumpol ng puting balahibo ang biglang lumitaw at natuon
ang mata ni Jun Wu Xie doon.
Tila napagtanto ng munting bata kung ano ang tinititigan ni Jun Wu Xie at bigla ay tila may
naalala itong isang bagay kaya't mabilis na tumayo, natatarantang tinakpan ang kumpol ng
puting balahibo ng munting mga kamay sa kaniyang likuran. Sobrang napahiya siya at ang
kinakabahan niyang mukha ay namula, napuno ng luho ang malalaking mga mata habang ang
labi ay bahagyang nanginig, tila iiyak na ito anumang sandali.
Samantala, nakatayo salungat sa munting bata, ang binata ay tila nakita ang eksena bilang
isang ilusyon.
Nakaupo sa may lupa, ay hindi isang munting taong bata, sa halip ito ay parang tulad ng
mahinang kimi na bulaklak na nagkaroon siya…
"Hawakan… isang beses lang… isang hawak lang… ay… sapat na…" Ang "iiyak na ako ngayon
na" ekspresyon ng munting bata ay halata na sa mukha nito ngunit ang bibig nito ay patuloy
pa rin sa pagmamakaawa dahil hindi niya nagawang hawakan ang kuneho.
Ang mga kawal na nasa tabi ay tila nahihiya at lahat sila'y iniwas ang mukha, hindi nais na
patuloy panoorin ang kaibig-ibig ngunit walang muwang na asal ng His Majesty.