Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 119 - Ang Sining ng Pagpatay (Unang Bahagi)

Chapter 119 - Ang Sining ng Pagpatay (Unang Bahagi)

Hindi makapalag ang Emperador kay Jun Wu Xie na nagwawala, sino pa ba ang makakalaban sa kanya?

Hindi man lang naudlot si Jun Wu Xie nang pinatay si Wu Wang at ang biyenan ng Emperador.

Mga opisyal sa korte na mataas sa lahat, mababa lang sa iisa. At ngayon, nakalatag nalang sa alikabok ang kanilang mga bangkay.

Tinignan ni Mo Xuan Fei ang sahig, nagluluha, hawak ang kanyang espada sa nanginginig niiyang kamay.

Paano nagkaganito?

Bakit?

Ang nakatayo sa pintuan, na nagtulak sa kanya na masiraan, ang babaeng iniwan niya?

Lumingon si Jun Wu Xie kay Mo Xuan Fei, na may mukhang kumukulubot sa paghihingalo, at tumigil sa Emperador.

Hinihintay niyang iutos ng Emperador ang pagpapakawala kay Jun Xian!

"Jun Wu Xie, inangkin mong si Wu Wang ang nagtangkang paslangin ang pangalawang prinsipe, na posible parin. Ngunit ano ang magagawa ng kanyang lolo para saktan ang pangalawang prinsipe, ang kanyang apo?" Nahirapan ang Emperador na manatiling kalmado, nakatago ang nanggigigil na mga kamay sa kanyang likod.

Isang dalaga, kahit gaano pa kalupit, ay hindi maingat at magiiwan ng mga butas sa kanyang mga pamamaraan. Paano magagawa ng sinomang lolo o lola ang saktan ang sarili nilang apo?

Kampante ang Emperador, mayroon siyang pwedeng gawin.

Nakita ni Jun Wu Xie ang pilit na pagtago ng Emperador sa kanyang pagkabalisa, at tinaas ang kanyang kamay.

"Long Qi."

"Nandito po!" Tumakbo at lumuhod sa kanyang tabi.

Naglabas ng dalawang balumbon si Jun Wu Xie mula sa isang itim na bayong na nakalagay sa itim na hayop at binato ito kay Long Qi.

"Basahin mo."

Tumayo si Long Qi, binuksan ang isang balumbon, at binasa ng malakas:

"Wei Qun Hua, Kai Yuan taong dalawampu't tatlo, pangalawang buwan, sa Dong Yue, pilit na nakakuha ng tatlumpu't dalawang residensya, pumatay ng pitompu't anim na magsasaka. Kai Yuan taong dalawampu't tatlo, tumanggap ng gintong sandaang libo mula sa….."

Ang boses ni Long Qi ay umalingawngaw, bawat salita'y tila martilyo sa mga puso ng mga dukha. "Nakalagay sa petsang ito, si Wei Qun Hua ay may kasalanang panununog, pagpatay, pagnanakaw, pagkulong sa mga mamamayan, pagtanggap ng suhol, at iba pa, sa kabuoan ng tatlong daan at pitompu't anim na pangyayari. limang daan, walompu't tatlo ang bilang ng mga namatay sa kanyang mga krimen, at pitong milyon, dalawang daan at at pitong libong tael ang kabuoan ng mga suhol na kanyang tinanggap….."

Habang hinahayag ang mga krimen ng isa-isa, tinitigan ng masama ng lahat ang katawan ng biyenan ng Emperador.

Inabuso ni Wei Qun Hua ang kanyang kapangyarihan at pagkiling ng Emperador at gumawa ng masasamang bagay. Dahil sa mataas niyang ranggo at kapangyarihan, marami ang natakot na magsalita. Ngunit ngayon, alam na ng lahat ang kanyang mga ginawa.

Walang naawa sa mga nanonood. Masaya lang silang nabawasan ng isa ang mga kontrabida.

Nangitim ang mukha ng Emperador. Alam niya ang mga kasalanan, ngunit walang ginawa para matigil ang mga ito. Ngayong alam na ng lahat ang mga kasalanan sa ganitong pamamaraan, hahayaan lang ang pagpaslang kay Wei Qun Hua ng mga tao hindi alintana ang pagatake kay Mo Xuan Fei!

Nabigla parin ang Emperador sa pagpanaw ng isa niyang utusan bago niya naisip na nasa pangalawa nang balumbon si Long Qi at binabasa ang mga kasalanan ni Wu Wang!

Ang dalawang opisyal na pinatay ng hukbo, ay may higit sa sapat na rason para mamatay.

Walang isang nagluksa sa pagpanaw ni Wu Wang at Wei Qun Hua, at pinalakpakan pa ang hukbo ng Rui Lin!

Para sa maraming mamamayan ng Qi, kung hindi dahil sa hukbo, hindi nila makikita ang araw ng pagkamatay ng kanilang mga tagapagpahirap!