Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 120 - Ang Sining ng Pagpatay (Pangalawang Bahagi)

Chapter 120 - Ang Sining ng Pagpatay (Pangalawang Bahagi)

Nanginig sa takot ang Emperador habang pinapanood si Jun Wu Xie. Naisip niyang pag pumatay si Jun Wu Xie, wala siyang awa at ipapakita pa kung bakit tama ang kanyang ginagawa, para walang makalaban sa kanya!

Habang palakas ng palakas ang mga palakpak ng mga tao, at nagwala na ang mga ito, tumaas ng tumaas ang lugar ng hukbo ng Rui Lin sa kanilang mga puso.

Mas natuwa sila sa dating pinupunang Jun Wu Xie, isa na siyang mapagkakatiwalaan at dominanteng dalaga. Ang mga masasamang sabi-sabi na dating umiikot ay nawala ngayong gabi.

Ang maputlang ilaw ng buwan na nakabalot kay Jun Wu Xie, ay nagpaliwanag sa kanya, nagpaganda. Ang mga nakakita sa kanya ay napaisip kung gaano ka-tanga ang desisyon ni Mo Xuan Fei na iwan ang nakakaakit na babaeng ito.

Inobserbahan sila ni Jun Wu Xie, pinapanood ang kanilang mga reaksyon.

Ang reputasyon ng Palasyo ng Lin ay binuo ni Jun Xian. At ang kanyang lolo, tatay, at tito ay ginawa ang lahat para panatilihin ang taas ng palasyo ng Lin.

Hindi niya hahayaang masira ang reputasyon ng palasyo ng Lin!

Kahit na pilitin siyang bumaba, hindi niya ito gagawin sa ngalan ng hustisya, at idadagdag ito sa kaluwalhatian ng Lin.

Nais ni Jun Wu Xie na makita ng Emperador ang pagpaslang sa kanyang mga utusan sa harapan niya, at walang magawa para pigilan siya, habang tinataas ang pangalan ng Lin sa mga kaharian! Ang sino-mang aaklas, ay papatayin!

Ang pagpatay ay hindi agad magdudulot ng pagkutya, basta't may rason, magdudulot pa ng puri.

"Ama, hahayaan mo lang ba si Jun Wu Xie sa kawalang-hiyaan niya?" Namumula sa galit si Mo Xuan Fei. Sa kabila ng pagpapanood sa kanya sa pagpatay ng kanyang lolo, pinaalam pa sa lahat ang kanyang mga krimen!

Namumutla ang Emperador, hindi niya inakalang ganito kaingat ang mga plano ng dalaga. Mula pa ng lumitaw siya sa pintuan ng palasyo, ang bawat galaw niya ay planado at pinag-isipan, at napilitan ang Emperador na lunukin ang kanyang galit sa bawat hakbang niya. Ang nakagalit pa sa kanya ay, hindi siya makapag-isip ng panlaban sa kanya!

Pinatotohanan ni Jun Wu Xie ang kanyang pagpatay kay Wu Wang at Wei Qun Hua. Una, inutusan ang Palasyo ng Lin ng Emperador mismo. Pangalawa, pinaliwanag niya nng maayos ang bawat salang nagawa nila at pinaalam sa lahat.

Ang dalawang pader na ito ay imposibleng malampasan at malakas itong kalasag para kay Jun Wu Xie.

Bagaman wala nang ibang hihilingin ang Emperador kundi balatan siya ng buhay, wala siyang magagawa na hindi makakapagdulot ng galit ng mga mamamayan.

Nakaranas na siya ng pagbagsak mula pa nang matanggap ang trono. Nabalewala ang pagbabagsal ng kanyang mga karibal at ng palasyo ng Lin dahil sa paglitaw ni Jun Wu Xie!

Nagisip ang Emperador ng paraan para baguhin ang sitwasyon, alam niya, na hindi titigil rito si Jun Wu Xie.

"Utusan niyo ang mga tauhan na patayin si Jun Xian." Ang Emperador, sa ilalim ng gigil, ay nagutos sa punong bating na nakatayo sa kanyang tabi, at umalis ito.

Sa kamatayan ni Jun Xian, wala nang rason si Jun Wu Xie para lumaban!

Pagdating ng umaga, sa balitang patay na si Jun Xian, Babagsak ang Palasyo ng Lin!

Kailangan ko lang magtiis ngayong gabi, masisira ko rin si Jun Wu Xie!

Nabulag ng galit ang Emperador, ngunit nagsisimula palang si Jun Wu Xie!

Parami ng parami ang mga opisyal na kinakaladkad ng hukbo ng Rui Lin. Mahigpit ang pagkakagapos, at nakahelerang nakaluhod sa harap ng pintuan ng palasyo.

Related Books

Popular novel hashtag