Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1156 - Imperial City sa Panahon ng Krisis (1)

Chapter 1156 - Imperial City sa Panahon ng Krisis (1)

Dahil hindi pa tuluyang nauubos ang mga sundalo ng Prosper Country at kailangan na niyang makarating agad ng Imperial City. At tanging si Jun Wu Yao lang ang makakagawang ilipad siya patungo doon.

Ang Qi Kingdom ay puno ng makapal na usok nang oras na iyon.

Nagliliparan ang mga pana na animo'y ulan. Ngunit patuloy pa ring lumalaban ang nasa panig ng Qi Kingdom!

Mahigpit ang pagbabantay sa pader ng Imperial City. Habang ang mga sundalo ng kalaban ay patuloy na pinipilit na makapasok sa loob.

Sa loob ng lungsod, marami ang mga sundalong pumipigil sa gate. Nilagyan din nila ito ng kahoy na pambara upang hindi madaling maitulak ng kaaway ang gate.

"Bilis! Mga archer, bilisan niyo!" Nakatayo sa loob ng lungsod si Jun Qing siya ang nagbibigay ng command. Ang mga pana ng kalaban ay nakakaabot na sa loob ng lungsod. Karamihan sa mga panang iyon ay may kasamang apoy. Dahil sa pagtama ng mga apoy sa kalasag, lumilikha iyon ng mas malaking apoy.

"Bilis! Tupukin niyo ang apoy, sigaw ni Jun Qing. Hinihiling niyang sana ay maaari niyang hatiin ang kaniyang katawan sa mga oras na iyon. Wala silang ibang magawa ngayon kundi ang pigilan na lang ang kalaban na makapasoksa lungsod. Dahil sa oras na makapasok ang mga ito, sigurado na ang kanilang pagbagsak!

Ang mga mamamayan ng siyudad na iyon ay nagtatago sa kanilang mga bahay. Ang mga kalalakihan naman ay nagdesisyon nang tumulong. Hindi nila matiis na manood o magtago na lang habang sila ay nilulusob ng mga kaaway. Wala man silang malakas na spirit power pero makakatulong pa rin sila. Nagbuhat sila ng mga balde ng tubig para tupukin ang apoy. Tumulong din silang magbuhat ng mga sugatang sundalo!

Naghanda na ang tatlong bansa na gibain ang pader papasok ng lungsod!

Naglagay ng gasolina ang mga sundalo ng Qi Kingdom sa mga hagdan at sinindihan iyon upang mapigilan ang paglusob ng kaaway! 

Ilang malalakas na pagsabog ang narinig kasunod noon!

Tila pinipiga ang puso ni Mo Qian Yuan sa kaniyang napapanuod. Hindi na niya pinakinggan ang protesta ng kaniyang mga opisyal at sumabak na rin sa giyera suot ang kalasag.

[Siya ang pinuno ng Qi Kingdom, paano niya matitiis ang sariling nanonood at nagtatago sa Palace habang ang kaniyang mga sundalo ay unti-unting nauubos!]

Nagsisimula nang mabutas ang mga pader. Malapit na ring mabuksan ng mga kaaway ang gate. Ngunit patuloy pa rin sa paglaban ang mga sundalo ng Qi Kingdom. Buhay sa kanilang mga puso ang pag-asang mananalo sila.

Sa labas ng lungsod ay ang tatlong bansang gustong lumusob sa Qi Kingdom. Kaunting-tiis na lang at magagawa na nilang mapasok ang lungsod.

Ngunit...

Wala ni isa sa panig ng Qi Kingdom ang gustong sumuko.

Sa kanila ang bansang ito! Ang lupa kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan!

Kahit pa umabot hanggang kamatayan, hindi sila handang sumuko at maging alipin ng sariling bansa! 

Nakikita ni Mo Qian Yuan pano nagsusumikap ang kaniyang mga mamamayan na ginagamit ang kanilang mga ring spiri upang patuloy na makipaglaban. Naglalabasan ang mga ugat ng kalalakihan upang pigilan sa pagkasira ang gate. Dahil sa kaniyang nasasakihan ngayon, nagsimulang mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. 

Marami-rami na siyang naranasan. Pang-aapi, pagkabigo pati na rin ang pagtraydor ng kapatid bago siya hiranging Emperor ng Qi Kingdom!

Kaakibat ng Dragon Robe ay hindi lang estado at awtoridad ang kaniyang nakuha, ngunit nakapatong din sa kaniyang balikat ang responsibilidad sa buong Qi Kingdom! Hindi niya lubos akalain na ganito kamahal ng mga tao ang kanilang bansa!