Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1157 - Imperial City sa Panahon ng Krisis (2)

Chapter 1157 - Imperial City sa Panahon ng Krisis (2)

Kaakibat ng Dragon Robe ay hindi lang estado at awtoridad ang kaniyang nakuha, ngunit nakapatong din sa kaniyang balikat ang responsibilidad sa buong Qi Kingdom! Hindi niya lubos akalain na ganito kamahal ng mga tao ang kanilang bansa!

Sa oras na iyon nakaramdam si Mo Qian Yuan ng pagmamalaki. Pagmamalaking siya ay isinilang sa bansang ito! 

Ang pinakamatagumpay niyang nakamit sa kaniyang buhay ay nang siya ang umupong Emperor ng Qi Kingdom!

Labis niyang pinagmamalaki ang mga mamamayan ng Qi Kingdom, lalo na sa mga sundalo ng Qi Kingdom!

Kahit na maliit lang ang kanilang bansa, lahat ng mga tao dito ay prinotektahan hanggang kamatayan ang kanilang bansa, ang Qi Kingdom!

Kahit na hirap na hirap na sila, patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban!

Rather a broken jade than a tile whole! [Note: Chinese idiom) Ang ibig sabihin nito ay mas pipiliin na lang mamatay kaysa sa maging habang-buhay na kahihiyan!]

"Duke Lin, malapit nang masira ang gate!" Takot na sigaw ng isa sa mga sundalong nasa gate. Puno ng takot ang kaniyang mga mata. Takot hindi dahil makakalaban na nila ang tatlong bansa, kundi dahil malapit nang tuluyang bumagsak ang Qi Kingdom!

[Simula ng maitaguyod ang Qi Kingdom, ilang giyera na ba ang kanilang nasaksihan? Ilan na ang mga sumubok na manakop ang kanilang napaatras? Gayong hindi man sila maituturing na malaking bansa, ngunit mayroon silang paninindigan. Prinotektahan nila ang ang kanilang bansa at mga tahanan dahil iyon sa kanilang paninindigan na hindi maaaring bumagsak ang kanilang bansa!]

[Ilang giyera ang kanilang ipinanalo at sa wakas ay nakamit ang kapayapaan. Ngunit ngayon...mawawala na lang iyon ng isang iglap/]

Hindi nila iyon matatanggap!

Hindi maaari!

Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Xian! Sa oras na masira ang gate at tuluyan nang makapasok ang mga kaaway, hindi na kakayanin pa ng mga sundalong tumagal!

Iilan na lang ang natitira sa Rui Lin Army, maging ang mga sundalo ng Qi Kingdom ay kaunti na lang. 

Malalagpasan kaya nila ang araw na ito?

Hindi makasiguro si Jun Xian. Ilang giyera na ang kaniyang naipanalo, nakatatak sa kaniyang dugo ang espiritu ng sundalo. Ngunit sa sitwasyon ng Qi Kingdom ngayon, wala siyang maisip na solusyon.

"Lahat ng Rui Lin Army makinig kayo!" Humakbang palapit si Jun Xian.

Lumingon kay Jun Xian ang mga sundalong natira sa Rui Lin Army.

"Simula nang maitaguyod ang Rui Lin Army, Ako at ang mga Heneral ay nangakong poprotektahan ng sandatahang ito ang lupain ng Qi Kingdom. Sa sitwasyon ng krisis na tulad ng kinakaharap natin ngayon, ito na ang ating pinal na laban! Ipinagmamalaki kong minsan akong namuno sa mga magigiting na sundalo tulad niyo! Ngayon, hanggang sa huling hininga, huwag niyong ipapahiya ang Rui Lin Army! Kahit na hindi malabong mabura na ang pangalan ng Rui Lin Army, kailangan nating itatak sa mga taong natitira sa mundo ang pangalan natin! Na minsan ay nagkaroon ng isang makisig na pwersa ang Qi Kingdom na kinatakutan ng mga kaaway! Isang sandatahang hindi kailanman susuko!" Taas noong tumingin si Jun Xian sa kaniyang mga sundalo. Bakas dito ang determinasyon!

"Patayin! Patayin! Patayin!" Sigaw ng mga sundalo ng Rui Lin Army!

Hindi sila kailanman natakot sa kamatayan at buong pusong pumasok sa gitna ng giyera!

Sila ay ipinanganak na may dugong sundalo!

Ipinanganak para sa giyera at sila ay nakatadhanang mamatay sa giyera!

Nag-alab ang mga puso ng Rui Lin Army. Buhay na buhay ang kanilang mga dugo para sa pinal na laban!

Humugot ng malalim na hininga si Jun Xian at nakipagpalitan ng tingin kay Jun Qing na nakatayo sa di kalayuan. Tumago si Jun Qing at ngumiti sa kaniyang ama.

Naunang bumawi ng tingin si Jun Xian. Agad niyang hinugot ang kaniyang espada na nakasabit sa kaniyang baywang at humarap sa gate. Handa na siyang harapin ang huling laban.

Related Books

Popular novel hashtag