Patayin mo lang si Jun Xian at mangangalahati na ang kapangyarihan ng palasyo ng Lin.
Kahit gaano kagaling si Jun Wu Xie, siya'y isa paring bata at si Jun Qing ay isang baldadong basura.
Pag nasimulan nila ito, hindi na sila makakabalik.
Alam ng Emperador ang kahalagahan nito at kahit na maghinala si Jun Wu Xie na ang pag-atake ngayon sa Palasyo ng Lin ay may kinalaman sa kanila, wala siyang magiging saksi. Kung maglakas loob man siyang mag-aklas, may dahilan siya para kasuhan sila ng pagtataksil, at magmula roon, ay mapapatahimik na ang hukbo ng Rui Lin
Ang dahilan kung bakit ang Emperador ay nagaalangan sa hukbo ng Rui Lin ay di lamang sa kanilang kapangyarihang militar, kundi dahil rin sa mataas na reputasyon nito sa mga mamamayan ng Qi. Ang hukbo ng Rui Lin ay mataas sa kanilang mga puso at kahit nais niyang paghiwalayin ang hukbo, kailangan niya munang unahin ang boses ng mamamayan ng Qi.
Kung magpatuloy man siya sa kanyang mga binabalak, malilibing siya sa petisyon at sumpa ng marami. Magkakaron ng gulo na wala siyang maisusulusyon.
Hindi makakahabol ang kanilang mga plano sa mga pagbabago, habang tahimik na nagbulong ang Emperador kay Mo Xuan Fei, may dumating na isa pang rehimyento ng hukbo ng Rui Lin.
Ang rehimyentong ito ay pinangungunahan ni Long Qi habang siyang may kinakaladkad na malaking sako. Sa kanyang paglapit kay Jun Wu Xie, nakikita ng mga tao na tila may naglalaban sa loob nito at maririnig ang ingay na tila sigaw ng isang baboy na kinakatay.
Hmm. Parang pamilyar ang tunog ng sigaw na iyon sa Emperador.
"Nagdadala ng balita para sa Binibini, dala po namin ang taong ito" Hinagis ni Long Qi ang malaking sako sa tabi matapos ibalita na natapos niya ang utos sakanya.
Ang malaking itim na hayop na sinasakyan ni Jun Wu Xie ay lumapit sa sako at ginamit ang matalas na pangil nito upang punitin ang gilid ng sako. May gumulong papalabas na bilugang anyo.
Ang taong ito'y gumulong sa madugo't maputik na sahig at namantsahan ang kanyang mamahaling balabal. Nakahilata siya sa malamig na sahig at inisip pa kung ano ang nangyayari, bago pa siya makatakas, tinulak siya ng itim na hayop sa sahig. Ang mataba niyang mukha ay nalampaso sa putik at umalingawngaw ang mga sigaw sa langit.
Nakilala agad ng lahat kung sino ang lumabas!
"Jun Wu Xie, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Bakit mo hinuli si Wu Wang?!" Ang mukha ng Emperador ay nangitim nang malaman niyang ang nasigaw na lalaki ay ang kapatid niyang si Wu Wang.
Nang makita ni Jun Wu Xie ang napakapangit na mukha ng Emperador, napangiti siya ng bahagya.
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang ngiting iyon ay nagkalat ng lamig na nagparamdam sa kung sino mang nakakita na tila sila'y nasa kapatagang niyebe.
Bihirang ngumiti si Jun Wu Xie, sa mundo mang ito o sa nauna. Masasabi na ang ngiti niya'y isang kayamanan!
Gayunpaman, tuwing siya ay ngingiti, para bang nabubuksan ang kahon ni Pandora.
Nabanggit pa noon na ang kanyang ngiti'y nakaaaakit at nakamamatay.
Habang ang mga tao'y nahuhumaling sa kanyang nakalalasing na ngiti, sumagot si Jun Wu Xie "Si Wu Wang ay nakipagsabwatan sa mga umatake at may masasamang balak sa pangalawang prinsipe. Agad na pagpaslang!"
Ang malamig na boses na iyon ang gumising sa pagkatuliro ng Emperador at napatitig kay Jun Wu Xie. "Jun Wu Xie! Wag mo akong susubu.."
"Aaah!" Naistorbo ang Emperador ng matitinis na sigaw. Si Wu Wang, na nakakulong parin sa putik, ay mabilis na inatake ng itim na hayop.
Sa ilalim ng itim na hayop, may gumulong na matabang ulo na may mga matang puno ng takot na nakatitig sa mga pader ng palasyo.
Lolo, sa lahat ng nagtangakang mangapi sayo, tututlong ako sa pagalis sakanila.