Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 116 - Mga Hangin ng Pagbabago (Pangalawang Bahagi)

Chapter 116 - Mga Hangin ng Pagbabago (Pangalawang Bahagi)

Lumaki ang ngiti ni Jun Wu Xie.

Ang pagpaslang kay Wu Wang ay ginawang publiko. Napakabrutal ng pagkagawa at ang mga tao'y nakatingin kay Jun Wu Xie na parang nakatingin sila sa nagkakatawang taong demonyo.

Kumukulo sa galit ang emperador. Kahit hindi sila naging malapit, si Wu Wang ay isang miyembro ng pamilyang imperyal, at kadugong kapatid ng emperador. Ang pagpaslang niya sa harapan ng emperador ng walang pahintulot nito'y pambabastos sa Korona.

Ang dekri ng kataas taasan ay nagambala't binaliwala at pinatay ni Jun Wu Xie ang duke bago pa niya matapos ang kanyang pangungusap.

"Jun Wu Xie! Naglakas loob ka…" Nanginginig ang emperador na itinatago ang galit.

Tumuloy lang si Jun Wu Xie nang walang takot. "Natapos na ang imbestigasyon kay Wu Wang. Ang sandatahan ng Rui Lin ang magdadala sa iba pang kasabwat sa pagtake sa pangalawang prinsipe sa ilang sandali."

"Anong binabalak mong gawin?" Natatakot na ang emperador sa susunod na plano ng dalaga.

Nasiraan na ata siya ng bait!

Lumawak ang kanyang ngiti at ang lamig sakanya'y tila nawala.

"Susundin ko ang utos ng kamahalan hanggang sa dulo."

Ang mukha ng emperador ay kumibot.

Kailan siya nakatanggap ng utos para patayin si Wu Wang?

"Long Qi!" Sigaw ni Jun Wu Xie

"Nandito po."

"Bring to me Official Wang, Official Shangguan, Official Xu….." Jun Wu Xie continued on a long list of over ten court officials, the crowd murmured in reaction to every name Jun Wu Xie announced to 'invite' over.

"Dalhin mo sakin si opisyal Wang, opisyal Shangguan, Opisyal Xu…." patuloy si Jun Wu Xie sa mahabang listaha ng mahigit sampung opisyal ng korte. Nagbulungan ang mga tao sa bawat pangalang inihayag ni Jun Wu Xie na imbitahan.

Ngayong gabi, walang matitira!

"Sumosobra na 'to! Jun Wu Xie! Lahat ng mga taong iyon ay mga matataas ang ranggo na opisyal ng korte, at napatay mo na si Wu Wang! Dapat tapos na itong lahat!" Napagtanto ng emperador ang rason kung bakit pinatay si Wu Wang sa harapan nito. Ito'y isang pagpapakita ng pwersa at para sa paghihiganti. Para sa nangyari sa palasyo ng Lin kagabi.

Ang utos para imbestigahan ang mga umatake sa pangalawang prinsipe na para pahirapan si Jun Xian sa pamamagitan ng pagbigay ng maling impormasyon, ay hindi akalain ng emperador, na gagamitin ito laban sakanya, para mahirapan ang sarili niya.

Sa ilalim ng kontektong sumusunod lamang sa utos ng emperador, hindi makahanap ng paraan para maparusahan si Jun Wu Xie sa harapan ng mga tao.

Pero pag hinayaan siyang magpatuloy, and lungsod imperial ay magiging pulang dagat sa susunod na pagsikat ng araw.

"Iyong kamahalan" Tumingin si Jun Wu Xie sa emperador. "Ang mga taksil na ito ay nagkikimkim ng karumaldumal na intensyon laban sa prinsipe. Ang mga parusang kanilang natamo ay naaayon sa kanilang krimen. Isa pa, ang palasyo ng Lin ay nabigyan ng buong otoridad na parusahan ang mga salarin sa kahit anong paraang nakikita namin ay karapat dapat." Ito ay nabanggit sa usapan nila Jun Xian at Jun Qing habang si Wu Xie ay nakikinig lamang.

Ang usapan ng mag-ama ay naaalala ni Jun Wu Xie, bawat salita.

Halos manghina ang emperador nang umakyat sa ulo niya ang galit.

Ngayon naiintindihan na niya.

Ang papel ng sandataha ng Rui Lin ay para maalarma at itipon ang mga tao ng buong lungsod, para sila'y makiusisa sa kung anong nangyayari sa gitna ng gabi. Alam ni Jun Wu Xie ang pagaalala ng emperador para sa kanyang reputasyon at pagiging mabuti sa mata ng mga tao, at sa pagtipon ng mga tao, mapipilitang harapin ng emperador si Jun Wu Xie nang hindi masasaktan ang mga taong nagtipon. Sa otoridad na ibinigay sa palasyo ng Lin para magpahayag ng mga parusa, ginamit ito ni Jun Wu Xie sa ilalim ng pangalan ng kamahalan, para tanggalin ang lahat ng pwedeng maging banta sa palasyo ng Lin, pinaparusahan sila sa kagustuhan niya.

Hangga't walang pruweba ang emperador na walang sala ang mga opisyal, kailangan niyang magpatuloy na makita ang mga opsiyal na mapugutan, isa pagtapos ng isa.

Anong katunayan ang maaring makuha niya para pigilan ito? Ang mga bangkay doon ay pinapadala sa palasyo ng Lin para tuluyang mawala. Hindi iyon mababago. Hindi niya maaaring balikan ang kanyang salita sa harapan ng publiko na iisa lang ang umatake sa prinisipe ngayon. Sinabi ni Mo Xuan Fei na grupo ang umatake sakanya dahil sa dalawang rason: para maligtas siya sa kahihiyan at para mahirapan si Jun Xian sa kanyang imbestigasyon.

Hindi pwedeng malaman ng mga mamamayan ang katotohanang sila nag nagpadala sa mga assassin na pinatay para patayin ang pamilya ng Jun.