Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1140 - Pagliyab ng Giyera (5)

Chapter 1140 - Pagliyab ng Giyera (5)

Isang-daang libong sundalo ang isinabak ang kanilang mga sarili sa giyera. Hindi alam ni Mu Chen kung ilan sa mga ito ang makakabalik ng buhay. O kung makakabalik pa ba…

"Nadadagdagan na ang mga sundalo ng Condor Country! Lahat kayo umalis ng siyudad! Umalis kayong lahat!" Puno ng dugo sa katawan ang heneral na sumigaw noon. Ang isa nitong braso ay naputol habang ang isa nitong kamay ay hawak ang sandata. Ang mukha nito ay puno ng sugat. Ngayon ay nagsisigaw itong abandunahin ang siyudad para sa kaligtasan ng mga tao.

Lahat ng tao sa siyudad ay gulat na gulat. Hindi nila akalaing mabilis na makakarating dito ang mga sundalo ng Condor Country.

"Huwag na kayong magdala ng kahit na ano! Umalis na kayo agad! Bilis! Ihanda niyo ang mga kabayo at pasakayin ang mga bata at matatanda!" Agad namang kumilos ang mga sundalo sa siyudad at ihinanda ang mga kabayong sasakyan.

Narinig iyon lahat ni Mu Chen at gulat na gulat din siya. Kaya naman agad siyang nagtungo sa mga sundao.

"Bakit mo pinapaalis ang mga kabayo? Anong gusto mong mangyari?!" Tanong ni Mu Chen. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang kumakalat sa kaniyang puso ang pangamba.

Tumingin ang sundalo kay Mu Chen at nagsalita: "Bakit ka ba nagtatanong ng walang kwenta ng bagay! Umalis ka na kung ayaw mong mamatay! Hindi namin kailangan ng mga taong mahihina katulad mo para lang ipahamak pa kami! Mga guwardiya, paalisin niyo na rin ang duktor na to! Huwag niyong hayaang manatili siya dito!"

Agad na tumalima ang ilang guwardiya at lumapit kay Mu Chen at dinala ito sa gate. Marami nang tao ang naroroon. Ang mga bata at matatanda ay ipinagsiksikan sa armadong karwahe. 

Ayaw ni Mu Chen umalis, ngunit sapilitan siyang hinila ng kaniyang mga disipulo.

"Master! Para sa kanila ay wala lang ang iyong ginagawa. Bakit gusto mo pa rin silang tulungan? Papunta na rito ang Condor Country, dapat na tayong umalis!" Hinihila ng mga nahihintakutang disipulo si Mu Chen habang sumusunod sa mga tao.

Nang makaalis na ang huling grupo palabas ng siyudad, ang sundalong nanita kay Mu Chen ay nag-pagkawala ng malalim na buntong-hininga. Humarap ito sa direksyong tinahak nina Mu Chen at tahimik na yumuko.

"Hoy! Bakit nakatayo ka pa diyan?!" Sigaw ng isang sundalo.

Agad namang sumagot ang sundalo: "May pinagalitan ako kanina at binabagabag ang aking kalooban."

"Lintek! Tama lang ang ginawa mo. Kung hindi siya aalis, gusto mo bang mamatay siya dito kasama tayo!? Bilis! Lumalala na ang sitwasyon! Isara niyo na ang Gate at maghanda sa laban!"

"Kumilos na tayo!"

Pilit na isinama si Mu Chen para tumakas ngunit siya rin ay may bumabagabag sa kaniyang kalooban. Palingo-lingon siya sa kanilang pinanggalingan nang bigla siyang may mapagtanto. Inikot niya ang kaniyang paningin sa kaniyang mga kasamang tumakas.

Ang kaniyang mga nakita ay mga normal na tao lang, wala ni isang sundalo sa kanila. Wala ni isa sa kanilang may dalang armas.

"Sandali! Lahat ng mga sugatang sundalo!"

Malakas ang sigaw na iyon! Napagtanto niyang wala ni isang sundalo silang kasama. Maging ang mga ginamot niya ay wala doon.

Nagulat naman ang lahat sa sigaw na iyon ni Mu Chen.

Kasabay ng sigaw ni Mu Chen ay narinig ang isang malakas na pagsabog di kalayuan sa kanilang kinaroroonan!

Ang siyudad na kanilang nilisan kani-kanina lang ay pinasabog! Umabot sa kalangitan ang apoy! 

Related Books

Popular novel hashtag