Ang siyudad na kanilang nilisan kani-kanina lang ay pinasabog! Umabot sa kalangitan ang apoy!
Wala na ang siyudad…
Sa isang iglap lang ay nilukob ito ng apoy. Nagsigawan ang mga tao.
Naagaw ng nahulog na basket mula sa kabayo ang atensyon ng lahat. Laman ng basket na iyon ay ang mga duguang metal badge.
Tinitigan ni Mu Chen ang mga badge na iyon. Agad siyang lumuhod para pulutin ang isa sa mga badge at sa nanginginig na kamay ay pinunasan niya ang dugo.
[Ang Rui Lin Army…]
Parang tinamaan ng kidlat si Mu Chen ng kidlat sa mga oras na iyon!
Ang mga badge na katulad nito ay nakasabit sa leeg ng bawat sundalo ng Rui Lin Army. Kapag sila ay namatay sa gitna ng Giyera at mahirap nang dalhin ang kanilang katawan, itong badge na ito ang kinukuha at binibigay sa mga pamilyang naiwan.
Hindi lubos akalain ni Mu Chen na babantayan ng mga Rui Lin Army ang siyudad na iyon hanggang kamatayan!
Natatakpan ng dugo at putik ang kanilang mga suot kaya hindi rin nila matukoy kung kaninong grupo ng sundalo nabibilang ang mga ito.
Sa pagpapaalis pa lang ng mga ito ng lahat ng mga kabayo, intensyon na nilang mamatay kasama ang mga kalaban!
Alam nilang hindi na sila makakabalik sa kanilang mga tahanan. Inilagay na rin nila sa mga kabayo ang kanilang mga name tag at umaasang makakarating ang mga iyon sa mga pamilya ng mga ito.
"Argh!!!" Napaluhod na si Mu Chen sa lupa at sumigaw. Tumingala ito sa kalangitan at sunod-sunod na tumulo ang mga luha galing sa kaniyang mga mata.
Pinangako niya kay Jun Xie na susuportahan niya ang Rui Lin Army. Kahit na hindi niya gaanong nakakausap ang mga sundalo, ngunit ang kaniyang mga ginawa nitong mga nakaraan ay para sa pagpapalakas sa mga ito.
Tahimik ang lahat sa sandaling iyon. Nang makita nila ang mga name tag, naintindihan na nilang isinuko na ng mga sundalo ng Rui Lin Army ang kanilang mga buhay para silang mga sibilyan ay magkaroon ng oras para makatakas. Hanggang sa huli ay pinatunayan ng mga ito ang kanilang kagitingan!
"Master…" Ang mga disipulong nagalit sa mga sundalo kanina ay kasalukuyang naninikip ang mga dibdib.
Ang kagaspangang ipinakita ng mga ito kanina ay para sa kapakanan ni Mu Chen. Alam nilang kamatayan ang naghihintay sa mga taong matitira doon.
Nagsimula nang umambon at nababasa na ang lahat. Ilang sandali lang ay bumuhos na ang malakas na ulan. Nilinis ng ulan ang dugo at putik na nasa mga name tag.
Yumuko si Mu Chen at maingat na pinulot isa-isa ang mga name tag para ibalik sa basket na kinalalagyan noon. Ibinalik niya sa kabayo ang basket at nag-angat ng tingin.
"Tara na! Hindi natin pwedeng sayangin ang kanilang pagsasakripisyo!"
Ang puso ng bawat isang naroon ay parang nilaslas ng kutsilyo. Hindi sila pwedeng huminto. Kailangan nilang mabuhay dahil iyon ang isinaalang-alang ng mga sundalong nagpaiwan sa siyudad. Kailangan nilang madala ang mga name tag na iyon sa mga pamilya ng mga yumao!
Sa ilalim ng malakas na ulan, nagpatuloy nang maglakad ang grupo. Inaalis ng ulan ang dumi sa kanilang mga katawan ngunit hindi ang kalungkutan at ang kirot sa kanilang mga puso. Maputik ang kanilang daang tatahakin, mahirap. Ngunit hinding-hindi kailanman maalis sa puso ng bawat isa sa kanila ang magigiting na nagprotekta sa kanila---ang Rui Lin Army!