"Sige!" Mabilis na sagot ni Jun Wu Xie: "Handa akong tanggapin ang trono."
Masayang-masaya sina Lei Chen at Lei Xi, agad silang nagbigay ng respeto sa kanilang pinuno.
"Maraming salamat Kamahalan!"
Nang lumingon si Jun Wu Xie sa Thousand Beast City, hindi nawala ang kaniyang malamig na titig.
Kakasalba niya lang sa Thousand Beast City at ngayon, kailangan niyang sagipin sa giyera ang kaniyang lugar na pinagmulan!
[Walang sinuman ang may karapat na saktan ang kaniyang pamilya!]
[Kung hindi, kahit pa na ikamatay niya, pagbabayarin niya ng buhay ang sinumang gagawa noon!]
"Kamahalan! Habang naglalakbay kami papunta dito, ipinahanda ko na ang mga sundalo. Ang kailangan na lang gawin ngayon ay ang pagbalik mo sa Imperial Capital para sa seremonya ng pagtanggap mo ng trono. Nang sa gayon ay mapakilos na natin ang mga sundalo papuntang Qi Kingdom sa lalong madaling panahon!" Saad ni Lei Chen. Tama siya ng naisip, mahalaga nga kay Jun Wu Xie ang Qi Kingdom.
"Sige." Tumango si Jun Wu Xie. Malaki ang problemang kinakaharap ngayon ng Qi Kingdom. Hindi niya basta-bastang hahayaan na lang ang mga ito!
Nang gabi mismong iyon, inanunsyo ni Jun Wu Xie na kinakailangan niya nang bumalik ng Fire Country. Si Qu Ling Yue na nakasuot pa ng damit pangkasal ay sinabing handa ito sumama sa kaniya. Inutusan nito si Xiong Ba na ito muna ang bahala sa Thousand Beast City. Sa oras ding iyon ay umalis na sina Jun Wu Xie, Jun Wu Yao, Qiao Chu at ang iba pa nilang mga kasama patungo sa Fire Country.
Wala silang kaalam-alam na sila ay sasabak sa isang malaking giyera.
Pagkabalik na pagkabalik ni Jun Wu Xie sa Fie Country ay idinaos na ang seremonya sa pagtanggap ng trono. Nagpakita din doon ang Empress Dowager. Bago ang pagbibigay respeto s bagong Emperor, si Jun Wu Xie ay umakyat sa trono suot ang Golden dragon robe na sumisimbolo ng awtoridad!
Nang hapon ding iyon, ang unang kautusan ng Emperor ay ang pakilusin ang Army upang tulungan ang Qi Kingdom!
…
Sa loob ng Qi Kingdom, sumisiklab ang kaguluhan kahit saang sulok. Walang katapusang tunog ng mga sandata at nagkalat din ang mga sunog na katawan. Ang bawat sunog na katawang iyon ay makikitang hawak pa rin ang kanilang mga armas. Nangangahulugang lumaban ang mga ito hanggang kamatayan.
"Bilis! Dalhin ang mga sugatan sa siyudad!"
"Asan ang duktor! Ang mga duktor! Magpadala kayo dito! Hindi na magtatagal ang mga taong ito!"
"Sinong makakapagligtas saking anak!? Pakiusap tulungan niyo kami!"
"Papa!"
Ang mga sigaw ng hinaing ay pumaalinlang sa buong kalupaan. Marami ang sugatan. Umaalingasaw ang amoy ng dugo.
Ilang siyudad sa Qi Kingdom ang napaghimasukan na ng kaaway. Isang dagat ng dugo ang lagay ngayon ng Qi Kingdom.
Nanatili si Mu Chen sa siyudad. Ang kaniyang kamay ay hindi na nawalan ng bahid ng dugo simula nang magsimula ang gulo sa Qi Kingdom. Ang mga dugong iyon ay nanggaling sa mga sugatang sundalo. Magkahalong takot at pagkabigla ang nararamdaman ni Mu Chen dahil kailanman ay hindi niya ito naranasan noong siya ay nasa Qing Yun Clan. Ang parang walang katapusang giyera, ang mga iyak at daing ng mga sugatan, ang lahat ng iyon ay isang bangungot sa kaniya.
Ang buong akala ni Mu Chen, nakita niya na ang pinaka-nakakatakot na parte ng mundo. Ngunit ngayon ay napagtanto niyang mas malala ang kaniyang nasaksihan dito sa Qi Kingdom.
Wala nang mas sasahol pa sa isang giyera!