Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1120 - Pagdurog at Pagbagsak (1)

Chapter 1120 - Pagdurog at Pagbagsak (1)

Sandaling natigilan si Xiong Ba. Hindi siya nagsalita at sa halip ay yumuko ng mababa kay Fan

Zhuo.

Nang makarating sila Qiao Chu sa Heavenly Cloud Chambers, ay ginagamot ni Jun Wu Xie ang

mga sugat ni Qu Ling Yue at nang makita nila ang payat at maputlang dalaga na nakahiga sa

kama, silang lahat ay walang imik upang hindi maistorbo si Jun Wu Xie sa panggagamot ng

mga sugat ni Qu Ling Yue.

Naisip nilang lahat ang matinding pinagdaanan ni Qu Ling Yue ay nagpasakit sa puso nito

ngunit ng makita nila ang tunay na hitsura ni Qu Ling Yue ngayon, kanilang napagtanto na ang

paghihirap na pinagdaanan ng dalaga ay masahol pa sa naiisip ng sinuman sa kanila.

"Palagay ko… ay hindi na ako nakakaramdam ng ganoong katinding poot kay Qu Wen Hao."

saad ni Qiao Chu habang hinihimas ang kaniyang ilong.

Ang pagtataksil ay hindi maiiwasan, ngunit ng pilitin si Qu Wen Hao na masaksihan na ipahiya

sa ganoong paraan ang kaniyang anak, ay maaaring tuluyan siyang nawala sa katinuan at

nagawa lamang niya ang desisyon na sinumang ama ay magagawa ng mga oras na iyon.

"Sana ay gumaling siya ng tuluyan." simangot na sabi ni Rong Ruo, ang mata niya ay puno ng

simpatya.

Sa loob ng buong araw at gabi ay nakaupo lang sa tabi ni Qu Ling Yue si Jun Wu Xie, ang

paggamot niya sa mga sugat ni Qu Ling Yue ay hindi tumitigil kahit sandali. Pagdating

kinagabihan kinabukasan, nang ang hapon ay nagliwanag sa bintana, ang walang malay na si

Qu Ling Yue asa wakas ay nagising.

Ang nakita ng kaniyang mata ay hindi na ang madilim na kulungan, sa halip ay isang

eleganteng silid. Sa loob ng silid, ay humahalimuyak ang mga halaman sa hangin at ang sakit

ng kaniyang katawan ay tila naglaho.

[Isa ba itong panaginip?]

Kumurap si Qu Ling Yue, titnitigan ang makinis na seda sa ibabaw ng kama.

"Gising ka na." isang boses na may bahid ng garalgal ang narinig ni Qu Ling Yuemula sa isang

tabi.

Napakislot ang puso ni Qu Ling Yue, nahihirapan na nilingon ang kaniyang ulo. Ang malamig na

hitsura ni Jun Wu Xie ang nakita ng kaniyang mga mata.

"Jun Xie…" biglang nag-init ang mukha ni Qu Ling Yue.

[Bakit biglang nagpakita sa tabi ng kaniyang higaan si Jun Xie?]

Sa pagakatarant, ay ninais ni Qu ling Yue na ibaon ang kaniyang ulo sa ilalim ng kumot ngunit

ng kaniyang iangat ang kamay at hatakin ang kumot, isang matinding sakit ang kumirot nula sa

kaniyang pulsuhan.

Malinaw niyang nakita na ang dalawang pulsuhan niya ay binalot ng benda, ang puting benda

ay naiiba sa kaniyang mga latay at sugat sa kaniyang braso, bigla ay tila isang kidlat ang

gumsing sa kaniya mula sa napakagandang panaginig!

Ang mahabang mga gabi ng hindi mailarwan na kilabot at pahirap, ang alaala ng mga hindi

maisip na eksena ay biglang dumaluyong sa kaniyang isip. Ang mata niya ay nanlaki, ang

katakot-takot na mga memorya na nagdala sa kaniya sa kawalan ng pag-asa, at itinapon siya

sa malamig at nagyeyelong lawa!

"Argh!!!"

[Hindi Iyon panagainip!]

[Lahat ng iyon ay totoo!]

Ang emosyon ni Qu Ling Yue ay nagpabago-bago at muli ay nagpumiglas siya upang makaupo,

binalot ang sarili ng kumot, hindi nais na sulyapan muli si Jun Xie.

"Alis! Umalis ka!" tulad ng isang napinsalang munting hayop, ayaw makakita ni Qu Ling Yue ng

kahit sino lalo na si Jun Xie.

Siya ay naging ganito. Napakarumi… Napakadungis…

Ayaw niyang makita siya ni Jun Xie sa miserableng estado. Mas nanaisin niya na mamatay sa

kulungan na iyon, kaysa makita siya ng tao na pinahalagahan niya sa kaniyang puso sa

kasalukuyan niyang estado.

Naguguluhan na tumingin si Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue. Nung umpisa ay tila nakabawi na si

Qu Ling Yue sa kaniyang mga emosyon ngunit bigls ay nasira at nadurog na naman itong muli,

ang mga sigaw na nagmumula sa kaniya ay nakakaawang pakinggan.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie habang ang walang humapay na pagpupumiglas ni Qu

LIng Yue ay muling nagpabukas sa mga sugat nito na binalot ng benda at ang dugo ay tumagos

sa mga benda, makikita ang pulang mga mantsa.

"Huwag mo akong tingnan… Nagmamakaawa ako… Huwag… Huwag mo akong tingnan…"

umiiyak na pagmamakaawa ni Qu LIng Yue habang ibinabaon ang sarili sa kumot, ang buong

katawan niya ay nanginginig sa takot.

Related Books

Popular novel hashtag