Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1121 - Pagdurog at Pagbagsak (2)

Chapter 1121 - Pagdurog at Pagbagsak (2)

Hindi kailanman naisip ni Qu Ling Yue na darating siya sa ganoong estado isang araw. Maingat

niyang prinotektahan ang kaniyang kalinisang-puri at lagi niyang iniisip na ibibigay ang lahat ng

mahalag sa kaniya sa kaniyang minamahal, ngunit malupit iyong tinanggal sa kaniya, kasama

ang kaniyang dignidad, ang kaluluwa, dinurog sa maliliit na piraso, at hindi na kailanman

maibabalik.

"Nakikiusap ako… Huwag mo akong tingnan… Pakiusap umalis ka… Napakadungis ko…

Marumi… Nagmamakaawa ako… alis…" noon ay ginawa lahat ni Qu Ling Yue upang

makasalamuha si Jun Xie, ngunit ngayon, pakiramdam niya ay hindi siya nararapat na

makasama ito sa isang silid. Hindi niya nais na makakita si Jun Xie ng pangit at kasuklam-

suklam na siya at pakiramdam niya ay nakakahiya siya sa tingin ni Jun Xie.

Naningkit ang mata ni Jun Xie at tumingin siya sa nanginginig na anyo ni Qu Ling Yue.

Bigla ay iniluhod niya ang isang tuhod sa kama at hinila si Qu Ling Yue mula sa ilalim ng kumot

sa isang mabilis na hatak!

"Huwag!!" kawalan ng pag-asa ang bumahid sa mata ni Qu Ling Yue, ngunit dahil sa siya ay

napakahina ay hindi niya nagawang labanan ito. Hinila siya palabas sa kumot, ang mukha ay

puno ng luha, pinapakita sa nanginginig nitong labi kung gaano katindi ang kaniyang takot.

"Huwag mo akong tingnan… Pakiusap… Huwag mo akong tingnan…"

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang pagmamakaawa ni Qu Ling Yue at ang isang kamay niya ay

hinawakan sa balikat si Qu Ling Yue, at ang isa ay itinaas ang ulo ni Qu Ling Yue sa may baba,

pinilit na tumingin sa kaniya si Qu Ling Yue.

"Anong ikinakatakot mo." saad ni Jun Wu Xie.

Malabo na ang paningin ni Qu Ling Yue dahil sa luha at nais niyang nakawala, ngunit wala

siyang lakas, kundi ang alugin ang kaniyang ulo.

"Napakarumi ko… sobrang dumi… nakikiusap ako… Huwag ka na bumalik. Pakiusap umalis ka

na? Ayokong makita mo ako na ganito…" bakit ba buhay pa siya? Bakit hindi na lang siya

namatay? Wala na siyang pag-asa na mabuhay at mas gugustuhin na mamatay na lang sa

kulungang iyon kaysa harapin muli si Jun Xie.

Namumula na ang mata ni Qu Ling Yue dahil sa pag-iyak at siya ay nabubulunan na dahil sa

paghikbi at ang tanging nagawa ay huminga sa pagitan ng mga iyon.

Hinawakan ni Jun Xie ang kamay ni Qu Ling Yue at dinala iyon sa kaniyang mata.

Ang maputi at munting kamay ay puno ng maliliit na hiwa at sugat. Ang mga sugat ay dahan-

dahan na ginamot at iyon ay nagsimula ng magbalat.

"Sinong nagsabi na marumi ka? Nilinisan kita at ikaw ay malinis na ngayo." saad ni Jun Wu Xie,

ang mata niya ay nakatuon kay Qu Ling Yue.

Umiwas nang tingin si Qu Ling Yue, maging siya ay hindi nais makita ang sarili.

"Bitawan mo ako… Huwag mo akong alalahanin…" patuloy na pagmamakaawa niya.

Ang kasalukuyang siya ay naramdaman na ang kaniyang kaluluwa ay napakadumi at hiniling

niya na sana ay patay na siya, o kaya ay tuluyang nabaliw upang hindi na niya harapin ang

lahat ng iyon ngayon.

Walang kahit ano, kaysa ang makita siya ni Jun Xie sa ganoong estado na makapagpapahirap

sa kaniya.

"Patay na ang iyong ina." biglang sabi ni Jun Wu Xie.

Ang nagpupumiglas na si Qu Ling Yue ay nanigas, nanlaki ang mata habang hindi

makapaniwalang tumingin kay Jun Xie.

"Lubhang nagkasakit ang iyong ina at hindi tumawag si Qu Xin Rui ng sinuman upang siya ay

gamutin at nagawa pang iutos na ang patay na katawan na iwan sa ilang at ipalapa sa mga

ligaw na hayop." napakalamig ng boses ni Jun Wu Xie na kaya nitong magpangatal ng tao.

Nakahuma si Qu Ling Yue sa gulat. Blanko siyang nakatitig sa kama, ang luha niya ay walang

tigil sa pagpatak.

"Ang iyong ama ay nasiraan na ng bait. Kung mamamatay ka, hahayaan ko siyang magpatuloy

sa kabaliwan niya. Kung nais mong pagalingin ko ang iyong ama, kailangan mong mabuhay."

saad ni Jun Wu Xie, seryosong nakatingin kay Qu Ling Yue ang boses niya ay matigas at hindi

mababali.

Gulat na napatingin si Qu Ling Yue kay Jun Xie.

Related Books

Popular novel hashtag