Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1119 - Dumating Ako Upang Iuwi Ka (6)

Chapter 1119 - Dumating Ako Upang Iuwi Ka (6)

"Ganoon din ba ang nararamdaman mo?" biglang tanong ni Jun Wu Xie,

Nagulat ng ilang sandali si Jun Wu Yao at maya-maya ay umiling ito.

"Isa lamang iyong dahilan ng mga mahihina. Kung ang kagustuhan nila ay malakas, anong

pinagkaiba ng pagbabago sa panlabas na anyo? Sinong mangaahas na hamakin ka? Kung dahil

lamang iyon sa mga tao sa kanilang paligid, kung gayon ay mas nararapat na hindi nila ito

pansinin. Ang buhay ng isnag tao, dapat ay mamuhay par lamag sa kanila. Kung ang isang

lalaki ay hahamakin ang isang babae dahil lamang sa bagay na iyon, ibig sabihin lamang ay

hindi niya tunay na mahal ang kaniyang kabiyak. Kung tunay niyang mahal ito, bakit niya

bibigyang pansin iyon? Marapat lamang na ang mahalin ng lalaki ay ang pagkatao at kaluluwa,

hindi ang panlabas na anyo."

Ang mga salita ni Jun Wu Yao ay ayon sa nais ni Jun Wu Xie. Wala siyang pakialam sa anumang

iniisip ng iba.

Ang mabuhay, iyon amg mahalaga sa lahat!

Ang mga bagay na nangyari kay Qu Ling Yue, ay humigit-kumulang konektado sa kaniya sa

ibang paraan at hindi siya maaari na maupo lamang at walang gawin tungkol doon.

Nilisan na ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ang kulungan.

Pansamantalang inilagay si Qu Ling Yue sa isang silid sa Heavenly Cloud Chambers at

pinuntirya ni Yes Sha ay tudlo upang makatulog si Qu Ling Yue upang pansamantala siyang

kalmahin at wala siyang gawin upang saktan ang kaniyang sarili.

Nanghingi si Jun Wu Xie ng nainit na tubig at tuwalya na dalhin at ginamot niya ang mga sugat

ni Qu Ling Yue sa katawan.

Nakahiga sa kama, makikitang malaki ang ibinawas sa timbang ni Qu Ling Yue at ang buong

katawan niya ang puno ng latay at sugat, ang kaniyang tadyang ay makikita sa ilalim ng

manipis na balat. Ang matinding pagkawala ng dugo at matagal na pagpapahirap ay nagpahina

ng lubusan sa kaniyang katawan ngunit ang pinakamatinding pinsala ay ang sugat sa kaniyang

paa't kamay.

Ang kaniyang labi ay may hiwa at kulang siya sa tubig dahil sa dami ng sugat na nakabuka.

Matiyagang ginamot lahat ni Jun Wu Xie ang sugat nito ng paunti-unti, ang galaw niya ay

banayad at dahan-dahan ngunit mayroong katiyakan. Bagama't alam niyang pinatulog si Qu

Ling Yue at hindi siya makakaramdam ng sakit, ay ginawa pa rin niyang magpahid ng gamot na

magpapamanhid sa sakit ng mga sugat.

Sa labas ng Heavenly cloud Chambers, ay nakatayo si Xiong Ba at Qing Yu at hindi nangahas na

magtungo sa lugar. Ibinigay ni Ye Mei si Qu Xin Rui sa kanila at nag-utos ng mga tao si Xiong Ba

na ikulong si Qu Xin Rui sa kulungan sa Fiery Blaze Clan Hall. Dahil kung hindi, sa mga ginawa

ni Qu Xin Rui sa mga tao ng Thousand Beast City, ang poot ng mga mamamayan sa kaniya ay

sapat na upang gutay-gutayin siya sa ilang milyong piraso.

Matapos asikasuhin ang bagay tungkol kay Qu Xin Rui, ay nagmadali na si Xiong Ba at Qing Yu

patungo sa labas ng Heavenly Cloud Chambers dahil nakita nila na patungo sa direksyon na

iyon si Jun Xie nang siya ay umalis. Ngunit nang makarating sila sa labas ng pintuan ay hindi

sila nangahas na gumawa ng isang hakbang papasok.

Iyon ay dahil nakatayo sa labas si Ye Sha at walang ekspresyon ang mukha at ang kaniyang asal

sa kanila ay malamig at hindi magiliw.

Habang nakatayo sa labas ng Heavenly Cloud Chambers si Xiong Ba at Qing Yu at tila hindi

alam ang gagawin, si Qiao Chu at ang kaniyang mga kasama ay nagmamadaling pumasok. Ang

limang kabataan ay nakita si Xiong Ba at Qing Yu sa may pintuan ng Heavenly Cloud Chambers

at sa kanilang pagkikita, ay dali-daling inyuko ni Xiong Ba ay Qing Yu ang kanilang mga ulo dala

ng pagsisisi.

Ang katotohanan na nasagip ang Thousand Beast City sa lahat ng suliranin ay dahil sa mga

ginawa ni Jun Xie at mga kasama nito. Kumpara sa pagtataksil na ginawa nila mismo kay Jun

Xie, ay hindi nila magawang tumingin ng diretso kila Qiao Chu.

Dumako ang galit na tingin ni Qiao Chu kay Xiong Ba at Qing Yu na nakayuko ang ulo dala ng

matinding kahihiyan at sumighal. Tumalikod siya sa mga ito at naglakad papasok ng Heavenly

Cloud Chambers, walang balak na kausapin sila maski isang salita lang.

Si Fan Zhuo ang pinakahuling naglakad papasok sa Heavenly Cloud Chambers at katatapak

lamang niya sa may pintuan ng Heavenly Cloud Chambers nang saglit itong huminto.

Lumingon siya at tinitigan si Xiong Ba na sising-sisi at pnahihirapan ng matinding pag-aalala

bago siya nagsalita:

"Sasagipin ni Little Xie ang inyong Young Miss."