"Eto ang iyong espirito?" Tanong ni Jun Qing ng may paghanga.
"Opo" Sagot ni Jun Wu Xie. Hindi niya maipaliwanag kung paano dumating is little blak at dahil hindi pa rin tapos si Little Lotus gumulang, tumungo na lang siya ng mabilisan.
"Nagising na ang kapangyarihang espirituwal mo?" Tanong ni Jun Qing na gulat.
"Kama-kailan lamang, pero medyo naantala siya." Sagot ni Jun Wu Xie.
Sobrang saya ni Jun Qing. Ang akala nila ni Jun Xian na isinilang si Wu Xie ng walang kaugnayan sa mga espirito. Alas, patuloy parin ang pagbabas ng langit sa pamilyang Jun!
Habang naguusap si Jun Qing at Jun Wu Xie, si tito Fu na babad sa dugo ay pumasok kasama ang kinseng sundalo ng Rui Lin. Nang makita niya ang panginoon niya at ang dalagang hindi nasaktan, napaluhod siya at nabitawan ang espada sa kanyang gilid.
"Ang anking pagkahuli ay nagpadusa sainyo, aking panginoon at dalaga!"
"Wala yun, kayo'y magsitayo." Sinigurado ni Jun Qing kay tito Fu. Ang karamihan ng kalaban ay sumugod sa harap, humigit isang daan. Argabyado ang labing anim na tauhan nila sa isang daan, at ang kanilang mga damit ay puno na ng dugo. Hindi malaman kung ang dugo ay galing sa kanila o sa kalaban nila.
May inabot si Jun Wu Xie sa kanyang damit at may ibinato na dalawang porselanang bote kay tito Fu.
"Inumin ninyo at ipahid lamang sa balat."
Tinignan ni tito Fu ang dalawang bote sa kanyang mga kamay, nagpapasalamat kay Jun Wu Xie.
"Maraming salamat po! Kung hindi dahil sa tulong ng batang maestro, mas lalo pa kaming matatagalang makadating dito."
Napataas ng kilay si Jun Wu Xie sa pagiisip. Mabilis at maliksi si Jun Wu Yao sa labanan, ngunit hindi siya makita sa mga panahong iyon.
"Ngayong gabi, nalaman natin na may nagbabanta laban sa palasyo natin. Nagawa nating hawakan ang sitwasyon dito pero napilitang umalis si ama sa lungsod. Kahit may dala siyang mga guwardiya, halatang naghanda ng husto ang kalaban." dumilim ang mukha ni Jun Qing. Ang atake nila sa palasyo'y halatang pinagplanuhang maigi at kung di lang sa mapangdayang "panghina" ng Lin Palace, malamang ay nagtagumpay sila.
May tatlong bagay na hindi inaasahan ng kalaban.
Hindi nila inasahang kayang manumbalik ang kakayahan para gamitin ang mga binti. Ang biglaang paglitaw ng espiritu ni Jun Wu Xie at si Jun Wu Yao na may mala-diyos na kagalingang pumatay.
Ang mga serye ng supresa ang nakapagpanalo sa palasyo ng Lin mula sa atake ng kalaban.
Pero nasa panganib parin si Jun Xian!
"Alamin mo agad kung nasaan si Lin Wang!" Utos ni Jun Qing
Punong puno ng dugo ang palasyo ng Lin at bago pa makaalis ang mga guwardya, may isang taong lumapit sa pasukan ng palasyo.
Si Li Ran, ang heneral na kanina lamang ay umalis sa parehong pasukan ng palasyo, ay dumating ng namumutlang may bitbit na masamang balita.
Habang hinahanap si Lin Yue Yang, naharap sa insidente si Jun Xian na ikinamatay ng mga guwardya at si Jun Xian ay nawala.
Nang marinig ito ni Jun Qing, halos hindi niya makontrol ang kanyang galit, mga mata'y nanlilisik na nakatitig kay Li Ran, nagpupumigil na pira-pirasuhin ang heneral sa harapan niya.
Napatitig ng malamig si Jun Wu Xie sa narinig na balita, tumayo at umalis sa palasyo ng nagmamadali.
"Wu Xie!" Sigaw ni Jun Qing, Hindi niya maintindihan bakit umalis ang dalaga.
Naglakad si Jun Wu Xie hanggang sa makalagpas siya sa pasukan ng palasyo. May inabot siya sa loob ng kanyang damit at naglabas ng isang maliit na supot na may lamang Soaring Cloud Signals.
Isang sinag ng pulang ilaw ang tumusok sa langit sa ibabaw ng palasyo at sumabog sa maraming makukulay na apoy na may nakabibinging ingay. Nawala ang kadiliman at katahimikan ng gabi.
Si Li Ran, na saksi ng lahat ng ito, ay nadapa sa gulat. Nakatitig mula sa sahig kay Jun Wu Xie, ngiping nanginginig.
Dahil sa Soaring Cloud Signal, pupunta na ang buong sandatahan ng Rui Lin!
Anong iniisip ng dalaga ng pamilyang Jun?!
"Tito, kailangan kong hanapin si Lolo." Tumalikod si Wu Xie, ang mukha'y naliliwanagan ng apoy ng signal at makikita sa mata nito ang nagaalab na determinasyon.