Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 111 - Umiilanlang Senyas na Ulap (Pangalawang Bahagi)

Chapter 111 - Umiilanlang Senyas na Ulap (Pangalawang Bahagi)

May madagundong ingay ang umalingawngaw sa buong lungsod imperyal. Lahat ay nagising at nawala ang kanilang antok nang makita ang kalangitang kulay pula.

Hindi alam ng mga tao ang dahil kung bakit pula ang langit at tila nagandahan pa sa kanilang nakikita. Ang mga pamila'y nagtipon upang hangaan ang kagandahan nito.

Ang mga opisyal, sa kabilang kamay, ay hindi natuwa sa kanilang nakikita sapagkat pamilyar sila sa eksenang ito.

Tuwing nakaririnig sila ng madagundong na ingay at nakakita ng pulang langit, iisa lang ang ibig sabihin nuon--- magkakaroon ng pagdanak ng dugo.

Isinaaktibo na ang Soaring Cloud Signal! Yun ang tawag upang pagalawin ang buong sandatahan ng Rui Lin!

Ito'y nagpaalog sa kanilang pagiisip habang ang takot ay napuno sa kanilang mga puso.

May mangyayaring malaki ngayong gabi. Isang malaking pagbabago ang dadating.

Sa bahay-hari, ang emperador na nasa kayang silid ay napasigaw sa gulat nang marinig niya ang dagundong na ingay. Madalian siyang lumabas para makita kung ano ang kaganapang nangyayari. Magpupunas na dapat siya ng kanyang pawis nang makita niya ang pulang kalangitan na nagpatigil ng kanyang paggalaw. Pamilyar ang pagkapula nito, at napalunok siya ng di oras, ang kanyang puso'y di mapakali sa pagkaramdam at pagkapuno ng takot.

Sino yun?! Sino ang nag-signal ng Soaring Cloud Signal?!

Sa ilalim ng gabi, nanginginig ang mundo sa nakakabaliw na pagpasok ng mga kabayo at rinig ito sa buong lungsod imperyal.

Sa lungsod imperyal, nanliit ang mga mata nila habang nasilip sa dilim gamit ang kanilang mga ilaw, nang makita nila ang kalbaryo ng mga lalaking maraming sandata na may Qilin emblem na nakapares sa kanilang malupit na presensya at matang nakakatakot. Naramdaman ng mga guwardya ang paglambot ng kanilang tuhod nang tignan nila ang isang buong rehimyento sa harap nila.

Ang sandatahan ng Rui Lin!

Ito ang sandatahan ng Rui Lin!

Nakasakay sila sa kanilang marilag na mga kabayo at papunta sa plasyo, para silang hangin nang malagpasan ang mga guwardiyang hindi pa nakagigising sa kanilang pagkatuliro.

Iyong gabing iyon ay isang gabing walang tulog para sa mga tao ng lungsod imperyal.

Sa palasyo ng Lin, nakatayo lamang si Jun Wu Xie, nagiisip habang ang simoy ng hangin ay humipan sa mga ilaw na nagbibigay liwanag sa kanyang magandang mukha. Ngunit, ang kanyang mukha'y puno ng dilim at lamig.

Nang makarating ang sandatahan sa palasyo, bumaba sila sa kabayo nila. Lahat sila'y may makintab na pilak na armour na may Qilin emblem at agad lumuhod ng sabay sabay sa harapan ni Jun Wu Xie.

Si Long Qi ay nasa harap ng mga rango at taimtim na nagsalita "Aming dalaga"

Nanlisik ang mga mata ni Jun Wu Xie habang tinitignan ang pinaka-elitistang sandataham sa kaharian ng Qi. Lahat ng lisik ng mata'y nababalutan ng pagaalab sa loob.

"Wu Xie! Yan ba ang intensyon mo?" Tanong ni Jun Qing na nakaupo sa bulwagan, nagaalalang tingin kay Wu Xie.

Lumingon si Jun Wu Xie at tinignan si Jun Qing, ang mga mata'y punong puno ng intensyong pumatay.

"May papabain akong emeperador." Sira ulong emperador! Sino siya para ganitohin kami?!

Nagulat si Jin Qing at ang mga mata nya'y nanlaki. Pipilitin niyang pababain ang emperador? Nabaliw na ba siya?!

Si Li ran na nanginginig pa sa pagkalatag ng mga pangyayari'y nakasandal sa pader. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

Gusto ng dalaga ng palasyo ng Lin na bumaba sa pwesto ang emperador? Nabalot siya ng kanyang pawis na sinipsip na ng kanyang damit.

"Little black." ang malamig na boses ni Jun Wu Xie ay biglang nagsalita. Isang malaking itim na anino ang naglakad sa bulwagan, ang mga marilag na hakbang at mga pangil na may bangas pa ng dugo.

"Patahimikin mo siya." Utos ni Jun Wu Xie.

Nakaramdam ng kaba ang kanyang puso pero bago pa ito makatugon, sa isang iglap, isang malaking itim na halimaw ang nakarating sakanya.

Isang nakatutulig na sigaw ang tumaginting sa buong bulwagan, ngunit sa sandaling panahon, tumahimik ang lahat.

Nakatitig lamang si Jun Qiang ng walang ekspresyon sa kanyang mukha sa katawan ni Li Ran na tinapon sa sahig ng itim na halimaw habang ito'y nabalik sa tabi ng dalaga.

Sa labas ng pasukan ng palasyo, saksi ng lahat ng sandatahan ng Rui Lin ang nangyari, at nakilala nila si heneral Li Ran ngunit hindi nila alam kung paano siya nagkasala sa kanilang dalaga at nauwi sa ganitong sitwasyon.

Sila'y nakatitig ng walang sinabing kahit na ano.

Ang hukbo ng Rui Lin ay may buong pagkamasunurin sa pamilya ng Jun.