Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 109 - May Bagyong Nabubuo (Pang-limang Bahagi)

Chapter 109 - May Bagyong Nabubuo (Pang-limang Bahagi)

"Ang mga entremetido ng palasyo ng Lin ay mamamatay!" Ang sampung taong pagpipigil na napuno sa loob ni Jun Qing ay sumagot at lumabas sa pamamagitan ng pagsayaw ng kanyang espada, humabi sa mga katawang nakapaligid sakanya.

Nakatayo na parang nakabaon sila sa sahig, hindi nakagalaw ang mga anino!

Napatulala silang katakut-takot kay Jun Qing.

Ang baldadong nakawheelchair ba talaga ang nakapatay sa karamihan ng kanyang kalaban sa isang iglap? Ang suwabe at eksaktong paggamit ng espada ay nagpanginig sa kanilang mga buto.

Hindi baldado si Jun Qing! Mas mabilis pa siya kaysa nuon!

Wala silang nagawa nang patayin isa isa ang kanilang mga kakampi, takot ay unti unting gumagapang sa loob ng kanilang mga puso.

"Puting kuwago!" tinawag ni Jung Qing sa ilalim ng kanyang hininga, at ang nakasisilaw na ilaw ang sumabog galing sa singsing sa kanyang daliri. Isang malaking puting kuwago ang nagpakita sa loob ng liwanag na iyon, at sa sigaw nito, mabilis itong sumalakay sa mga kalaban.

Ang nakakapinsala ng butong puting kuwago! Ang kontraktwal na ispirito ni Jun Qing, ang pangpitong pinakamalakas na lebel ng lakas ng espirito, naglaganap ng takot sa buong lupain.

Sa loob ng sampung taon, tinago ni Jun Qing ang kanyang espirito sa mga tao, at karamihan na ay nakalimot sa nakapipinsala ng butong puting kuwago!

Sa malaking pakpak nitong umabot sa tatlong metro, nakagawa ito ng madugong ipoipo, sa mata ng bagyo!

"Bwisit! Ang mga binti ni Jun Qing? Paano siya nakakagalaw ng ganito? Ano nangyayari!?" Sigaw ng mga ma-aninong katawan habang sila'y natutulak ng malakas at mabilis na paghawi ng espada ni Jun Qing at ng kabangisan ng halimaw na kuwago. Nang matira nalang ang halos kalahati sa kanilang mga tauhan, nagsialisan sila at umurong.

"Arghhhhh!!" Ang sigaw ng unang grupong umurong ang nagpalingon sa mga lalaking nakaitimi pabalik kung san nangagaling ang sigaw.

Isang marilag na itim na halim ang nakatayo na may leeg ng isang nakaitim na lalaki sa gitna ng kanyang panga, pulang pula ang nakakalat sa paligid nito.

Basag.

Binali ng halimaw ang leeg.

"Walang makakalabas ng buhay sainyo ngayong gabi." Nakasakay sa likod ng halimaw ang isang magandang dalaga ang nagsalita ng walang pakielam sa nagpapanik na grupong nakatitig sa kanila. Nakatingin sakanila ang dalaga ng walang awa.

Naramdaman ng halimaw ang pagkauhaw sa dugo ng kanyang maestra at sumunggab na sa kalaban.

Sa nakakabulag na bilis na Jun Qing sa kanilang likod, ang katakot takot na puting kuwago sa itaas at nakakatakot na itim na halimaw na nakaharang sa kanilang labasan, nagsigawan ang mga lalaking nakaitim. Ni hindi man lang nila alam kung ano ang tumama sakanila sa kanilang pagkamatay.

Nasa paghina na ang palasyo ng Lin, bakit sobrang lakas parin nila?

Halos isang daan na lalaking nakaitim ang napatay sa isang iglap, ang amoy ng dugo'y nakakalat sa paligid. Ang sahig na napupuno ng nakakalat na bangkay. Ang minsang tahimik na likod bahay ay naging isang eksena mula sa impyerno. Isang malagim na tanawin.

"Wu Xie! Okay ka lang ba?!" Tanong agad ni Jun Qing sa kanyang pamangking nakasakay parin sa likod ng napakalaking halimaw, mga mata'y di matago ang pagtataka.

Ang puting kuwago ay bumaba at tumapak sa isang bangkay at tumingin kay Jun Wu Xie.

"Okay lang ako, tito. Nasaktan ka ba?" Tanong ni Jun Wu Xie.

"Hindi kaya ng mga basurang yon saktan ako. Pakiramdam ko nga masyado nila akong minaliit." Sabi ni Jun Qing habang siya'y napatingin sa halimaw na nasa ilalim ni Wu Xie, mga mata'y di maitago ang paghanga. "At ito ay…?"

Ang itim na halimay ay halos itsurang panter, ngunit sa iyong paglapit, makikita na ito'y mas malaki, ang tenga's mas patusok kumpara sa mga panter na medyo pabilog.

"Meow" isang mahinhin na meow ang nagaling sa malaking itim na halimaw na may mga pangil na nakalawit sa panga nito.

Natameme sa gulat si Jun Qing.

"Eto si little black, nakita niyo na siya." paliwanag ni Jun Wu Xie.

"..." Sa pagbabalik-tanaw sa mga oras kung kailan karga karga nya lamang ang maliit na itim na pusa sa kanyang bisig, hindi niya inakalang pareho lang iyon sa higanteng halimaw na nasa harapan niya ngayon.