Natural, ang singhal ni Yun Fu Ye ay hindi patungo kay Huang Wen Jing subalit para ito kay
Duan Ling Tian. Napatingin lamang siya sa dalaga upang ibahagi ang tuwa niya sa kamatayan
nito. Subalit, sa gulat niya, tila ba hindi masigla ang little junior sister niya. "Little Junior Sister,
hindi ka ba masaya para sa master natin?" Nalito siya sa mukha nito. Muli niya itong tinawag,
"Little Junior Sister! Little Junior Sister! Ano bang iniisip mo?"
Nakabalik na rin si Huang Wen Jing sa kanyang kamalayan nang tawagin siya ni Yun Fu Ye
nang paulit-ulit. Ngumiti siya, at napatingin nang puwersahan, "Senior Brother, masaya ako
para kay master… May… May iniisip lang akong iba kanina…"
Ngumiti na lang at tumango si Yun Fu Ye, "Tignan mo lang… Mapapatay rin si Duan Ling Tian
ng Celestial Ascension Tribulation. Hindi man lang madudumihan ang mga kamay ni master!"