"Mabilis na lumilipas ang oras. Patapos na ang isang libong taon, at ito ang palatandaan ng aking ikaapat na Heavenly Tribulation… Kapag nagtagal pa ako dito, hindi ako kampante na maipapasa ko ang ikaapat na Heavenly Tribulation!" Paliwanag ng matanda habang bumubuntong hininga.
"Sa kasalukuyan, dahil nasa ilalim na ng Celestial Ascension Tribulation ang sutil na iyon sa Wandering Saint Palace at magiging Eminent Celestial na ito… Ito ang perpektong pagkakataon para lumisan ako. Dahil naririyan kayong dalawa para bantayan ang Human-Devil clan, pwede na akong mamayapa."
Tinutukoy ng matandang lalaki si Yuwen Hao Chen bilang sutil! Kung may ibang naroroon, baka magulat sila sa mga salita nito. Subalit, ang ekspresyon sa mukha ng Patriarch ng Human-Devil clan ay hindi nagbago. Matapos ang lahat, hindi niya naisip na mali ang pagtawag ng matanda kay Yuwen Hao Chen na sutil.