Nararamdaman ni Duan Ling Tian ang tingin sa kanya ni Shi Nan Feng at napalingon siya rito. Kitang-kita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito. "Siya siguro ang Palace Master ng Great Spirit Palace."
Suminghal si Shi Nan Feng nang makitang tumingin rin sa kanya si Duan Ling Tian. Inisip niyang sinusubukan nitong tumakas sa kanya. "Tatakas ka?"
Iniisip niyang tatakas ito dahil akala niya takot ito sa kanya at kay Yuwen Hao Chen na magiging Eminent Celestial sa mga susunod na araw. Sa banta na may isang Eminent Celestial ang siyang papatay kay Duan Ling Tian, hindi niya naisip na magiging ganito ito katapang para manatili sa palasyo.
Hindi pinansin ni Duan Ling Tian si Shi Nan Feng nang dalhin niya si Ke'er, Duan Si Ling, at Gan Ru Yan. "Tara na!"
Sumunod si Peng Lai kay Duan Ling Tian nang marinig ang mga sinabi nito.