"Lord Vice… Vice Palace Master… Ako po… Ako po iyon..." Nanginginig si Huang Zheng na sumagot habang nakayuko. Malamig rin ang kanyang pawis. Alam niyang ang lugar kung saan nasa saradong cultivation ang Palace Master ay malapit lang, kaya, malamang na naistorbo siya ng mga palakpak ng kidlat.
Sa parehong pagkakataon, tinignan ni Yun Fu Ye si Huang Zheng sa balikat nito… Sa sumunod na pagkakataon…
Swoosh!
Itinaas ni Yun Fu Ye ang kanyang kamay at isang matigas na saber ray ang namuo sa harap ng mga mata ni Hou Feng at siyang humiwa sa ere. Pumikit si Hou Feng dahil sa nakapaninilaw na liwanag nito.
Ang saber ray na ito ay tila ba karit ni kamatayan at madali nitong nahiwa ang leeg ni Huang Zheng.
Bago pa man lumabas ang dugo, ang saber ray ay lalo pang nagningning. Tila ba kaya nitong putulin ang kahit ano!
Bang!