"Brother Ling Tian, sikat ka na talaga sa Wandering Saint Palace… Alam ng lahat ang pangalan mo!" Ngumiti si Huang Qi Ling. Sa totoo lang, nag-aalala siya na baka magbago na ang pakikitungo ni Duan Ling Tian sa kanya dahil malakas na ito, lalo na at nasa Ninth Form ng Saint Celestial Stage na ito. Subalit, nang makita niya ang ngiti ni Duan Ling Tian, ito pa rin ang parehong Duan Ling Tian na nakilala niya isang taon ang nakararaan.
"Oh?" Nagulat pa nga si Duan Ling Tian sa narinig niya. Ayon sa paliwanag ni Huang Qi Ling, nalama niyang ang mga ginawa niya noong nakaraan ay nagdulot ng gulo sa palasyo!
Biglaan, lumabas si Duan Si Ling sa kwarto at tumungo kay Duan Ling Tian. Nakatitig siya kay Huang Qi Ling gamit ang kanyang malalaking mga interesadong mata saka nagtanong sa kanyang ama, "Papa… sino siya?"