Chapter 2252 - Dismayado

Tumayo si Duan Ling Tian sa kaniyang kama at umalis sa silid. Sa wakas ay nilisan na niya ang kaniyang pagcucultivate!

"Daddy! Daddy!"

Narinig ni Duan Ling Tian ang isang masayang tili pagkabukas niya ng pinto ng silid. Nakita niya ang kaniyang anak na si Duan Ling Sing na tumatakbo patungo sa kaniya at naghahandang yakapin siya. Kitang-kita ang pananabik sa kaniyang maamo at maliit na mukha.

"Si Ling." Yumuko si Duan Ling Tian upang hulihin si Duan Ling Sing na tumalon patungo sa kaniya at kinarga niya ito.

Sa ngayon ay sampung taon na si Duan Li Sing. Gayunpaman, napakainosente pa rin niya dahil hindi niya nakasasalamuha ang mga batang kaedad niya. Para siyang prinsesa sa harapan ni Duan Ling Tian, at para kay Duan Ling Tian, siya ang kaniyang nag-iisang munting prinsesa!

"Daddy... bakit pakiramdam ko ay nag-iba ka?" Inosenteng kumurap ang mga mata ni Duan Li Sing habang sinusuri si Duan Ling Tian. Nakikita niya ang pagbabago sa kaniyang aura.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS