Noong mamatay ang Sect Leader ng Heaven Divination Sect, ang marilag na katawan ng isang babae na nakalutang sa hangin sa ibabaw ng isang maliit na lambak na sampu-sampung libong milya ang layo mula sa Heaven Divination Sect ang nanginig nang bahagya.
Ang babae ay mayroong maputing kasuotan. Siya ay tila isang diwata na bumaba sa mundo ng mga mortal nang siya ay lumutang sa hangin. Ang kaniyang kaaya-ayang walang kapantay na tindig ay nagsanhi sa kaniyang kapaligiran na magdilim.
Ang abot-baywang na buhok ng babae ay gumuguhit sa kaniyang likuran na parang isang talon. Kahit na ang kalahati ng kaniyang mukha ay nakatago sa likod ng isang manipis na belo, base sa kalahati na nakalabas, maaaring maisip kung gaano kaganda ang babaeng ito.
Ang babae ay tila parang isang diyosa ng niyebe nang lumutang siya sa hangin at naglabas ng isang malamig na aura na nagsasanhi sa temperatura ng kapaligiran na bumagsak nang ilang sukat.