Noong una, walang plano si Duan Ling Tian na ipaliwanag ang kaniyang sarili. Tumingin siya kay Gan Ru Yan at walang bahalang sinabi, "Siyempre!"
"Siyempre?" Kumunot ang noo ni Gan Ru Yan. "Kung ang dark violet na Innate Spiritual Root ay hindi ang pinakamataas na antas ng mga Innate Spiritual Root, eh, ano ang pinakamataas na antas ng mga Innate Spiritual Root?"
"Itim na Innate Spiritual Root," sagot ni Duan Ling Tian.
"Itim na mga Innate Spiritual Root?" Tumingin si Gan Ru Yan kay Duan Ling Tian nang may seryosong ekspresyon at nagtanong, "'Wag mong sabihin sa akin na ang iyong Innate Spiritual Root ay kulay itim na?"
Akala ni Gan Ru Yan ay mayroon nang itim na Innate Spiritual Root si Duan Ling Tian dahil imposibleng malaman niya na itim ang pinakamataas na antas maliban na lamang kung nakita na niya ito dati.
"Hindi." Umiling si Duan Ling Tian.
"Eh 'di, ikaw ay..." Magpapatuloy na sana si Gan Ru Yan.