"Tahimik!" Biglang sumigaw si Duan Ling Tian habang tinignan niya nang masama ang lahat sa sandaling natapos na magsalita ang di gaano katandang lalaki.
Ang lahat ay tumahimik nang nagsalita si Duan Ling Tian.
Boom! Boom! Boom! Boom! Boom!
Habang tunog ng mga pasabog ang narinig sa hangin, isang malakas na pwersa na kasing bagsik ng bagyo ang lumitaw.
Ang pinatatamaan ng puwersa ay walang iba kundi ang di gaano katandang lalaki na nagsalita kanina. Ang bilis ng pwersa ay sobrang bilis na hindi nakakilos ang di gaano katandang lalaki. Nang nalaman niya kung ano ang nangyari, ang hindi nakikita na kapangyarihan ay tahimik na siyang binalot. Siya ay parang isang malungkot na bangka na nasa bagyo sa dagat na nilalamon ng mabagsik na alon.
Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!