Sa sandaling natapos magsalita si Leng Ying, nanlaki ang mga mata ng mga tao sa Fire Worship Sect.
"Hurmph!" Malamig na nani ng Sect Leader ng Black Kshetra Sect at agad na nandilim ang kanyang mukha.
Syempre ay batid niya ang mga sinabi ni Leng Ying.
Dahil dito kung kaya hindi niya nais patayin ang iba pang Guardian ng Fire Worship Sect mula sa simula, nais niya lamang turuan ang mga ito ng matindi at masakit na leksyon.
Wala siyang lakas ng loob na patayin ang iilang Guardian na ito ng Fire Worship Sect!
Ayos lamang kung si Duan Ling Tian lamang mag-isa, dahil mayroon silang magandang dahilan para gawin ito. Kahit na patayin talaga nila si Duan Ling Tian, hindi magiging pabaya ang Sect Leader ng Fire Worship Sect.
Kung gagawin niya ito, paniguradong dahil sa gagawin ng Sect Leader ng Black Kshetra Sect ay magdudulot ito ng matinding patayan!