"Kapatid, asan na siya ngayon? Kumusta na siya?" Huminga nang malalim si Ke'er at sa wakas ay pinigilan niya ang nananaig na damdamin mula sa kanyang puso habang tinitignan niya si Gan Ru Yan at agad siyang nagtanong s apamamagitan ng voice transmission.
"Sinabi ni Zi'er na huli siyang nagpakita sa Sin City." Sinabi ni Gan Ru Yan ang lahat kay Ke'er sa voice transmission gaya ng sinabi ng babaeng nakalila sa kanya. "Tatlong taon ang nakararaan, pumasok siya sa…"
Ang lahat ng sunod niyang sasabihin ay nagmula sa mga 'kuwento' na kumalat sa buog Dao Martial Saint Land.
Para naman sa insidente kung paano pinatay ni Duan Ling Tian si Golden Lion King Xie Kang Yun mula sa Black Kshetra Sect, kahit si Gan Ru Yan ay inisip na kakaiba ang bagay na ito. Dahil rito kaya hindi niya ito binanggit kay Ke'er at ang ibang insidente na lamang.