'Ang Land of Exile ng Devil Clang ay sinakop na nga ang Lower Province... Sana ay ligtas ang aking ama, ina, at ang iba pa.'
Sa usapin tungkol sa Devil Clan, hindi mapigilan ni Duan Ling Tian na maisip ang kanyang pamilya at mga kaibigan na nasa Lower Province ng Dao Martial Saint Land.
Ngayon, matindi ang kanyang pangamba dahil hindi niya alam kung ligtas ba ang kanyang mga kaibigan at pamilya!
Matapos ang lahat, ang Land of Exile ng Devil Clan ay isang lahi na may matinding pagnanasa sa dugo at pagpatay.
Usap-usapan na halos hindi makaligtas ang sangkatauhan matapos bumisita ng Devil Clan sa nasabing lugar. Kahit pa nagawa nilang makaligtas, kinailangan nilang magpakatulad sa Devil Clan at maging isang devil cultivator na hindi makatao tulad ng Devil Clan!
"Elder Huo, paano ako makakaalis sa lugar na ito ngayon?"
Matapos huminga nang malalim upang ikalma ang sarili, inisip ni Duan Ling Tian iyon at dagliang tinanong si Elder Huo.