Sa likod ng walang kwentang bata, mayroong isang lalaking hindi gaanong katandaan at isa pang matandang lalaki.
Ang lalaking hindi gaanong katandaan ay may suot na mapusyaw na berde, mahabang roba, katamtaman ang katawan at may normal na itsura. Sa unang tingin, iisipin mong ordinaryong tao lamang siya.
Sa kabilang banda, ang matandang lalaki ay nakasuot ng mahabang pulang roba. Matipuno siya subalit maliit ang kanyang ulo kaya nagmukha siyang katawa-tawa, dahil hindi ito bagay sa kanyang katawan.
Ang lalaking tumawa nang nakasisindak ay ang matandang iyon na nakapulang roba!
Ngayon, masama namang nakatingin ang matandang ito kay Duan Ling Tian gamit ang kanyang mga maliliit na mata habang may malamig na aura ang lumalabas sa kanya. Tila ba kapag nagbigay ng utos sa kanya ang kanyang Young Master, agad niyang atakihin si Duan Ling Tian para malaman kung totoo ba talaga siya.
"Dahil sinabi ito ni Elder Shi… sige sumugod ka na!"