Binuksan ni Jiao Zhan ang kanyang bibig para kumpirmahin ang pagkatao ni Duan Ling Tian.
Matapos ang lahat, may iilang mga tao sa Sin City ang siyang nagsimulang gayahin ang lalaking nakaitim na roba, hindi siya sigurado kung ito ba ang lalaking pumatay sa mga kasamahan niya dati.
Syempre, hindi siya magpapakita ng awa kahit hindi ito ang taong hinahanap niya!
'Ito ba ang kapatid ni Jiao Tu?'
Si Duan Ling Tian na nababalot ng itim na roba ay naramdaman na tila ba pamilyar ang pangalan ni Jiao Zhan noong una. Sa ikalawang isip, hindi ba siya ang kapatid ni Jiao Tu na namatay sa kamay niya dati?
Naalala niya pa na pinatay niya si Jiao Tu, si Jiao Tu na sinubukang gamitin ang kanyang kapatid na si Deputy Leader Jiao Zhan bilang panalag niya.
Subalit, wala siyang pakialam.