"Ito… Paano ito naging posible?!"
Matapos maramdaman at alamin ang mga kaganapan gamit ang kanyang divine consciousness, tila ba tinamaan si Lu Tie ng kidlat, ang kanyang mga mata ay nanliit sa hindi pagkapaniwala habang humihiyaw siya sa sindak.
"Master!!"
Nang marinig ang tono ng hindi pagkapaniwala ni Lu Tie, nanginig sa gulat si Bu Hong. "Ang… anong mali sa Innate Spiritual Root ko?"
Kung may mali sa kanyang Innate Spiritual Root, mauunawaan niya kung bakit napakabagal ng kanyang cultivation speed.
Ang mahalaga ay kung maaayos pa ba ito!
Basta ba maaayos ito, pwede niyang mabawi ang kanyang innate talent. Sa ganoong kaso, babalik na rin ang kanyang napakabilis na cultivation speed.
Sa pagkakataong iyon, siya pa rin ang prodigy sa Fire Worship Sect na may lilang Spiritual Root. Basta ba mabigyan siya ng sapat na oras, pwede niyang mapatay si Duan Ling Tian sa hinaharap at maipaghiganti ang kanyang sarili!