"Anong klaseng anak mayroon ka Qiu clan leader!" Diretsahang sabi ni Dongfang Qian habang may sarkastikong mukha nang salubungin niya si Qiu An Ping.
Natural, hindi magalang si Dongfang Qian kay Qiu An Ping dahil ang layunin niya ay kumuha ng hustisya para sa kanyang clan. Ang pagiging magalang kay Qiu An Ping ay katumbas lamang ng pag-aalis ng intensyon niya rito at maaaring mabawasan rin ang maaaring makuha nila mula sa Qiu Clan.
Malinaw naman si Dongfang Qian sa bagay na iyon bilang clan leader ng Dongfang clan.
"Hmph!"
Sa kabilang bahagi, ang Grand Elder at Second Elder ng Dongfang Clan ay binati ang kanilang mga katapat ng isang "hmph" at pinabayaan na sila na tila ba maraming utang ito na pera sa kanila.