Kahit hindi nagulantang si Duan Ling Tian gaya ni Dong Lin at ng iilang Bronze Flame Elders ng Enforcement Hall na nanonood sa tabi, ang tingin na mayroon siya kay Duan Ling Tian ay nagbago rin nang kaunti.
Ang pangalang "Duan Ling Tian" ay pamilyar sa kanya.
Nakarinig rin siya ng iba't ibang tagumpay na ginawa ni Duan Ling Tian matapos niyang tumungo sa Fire Worship Sect. Bukod pa roon, gaya ng mga Silver Flame Elders, inisip niya ring kunin si Duan Ling Tian bilang kanyang direktang disipulo.
Subalit, sa huli, natutunan niya na si Duan Ling Tian ay may isa ng sectless cultivator master at sinabi niyang hindi siya magiging disipulo ng kahit sino maliban na lamang kung makakakuha siya ng permisyon mula sa kanyang master.
Dahil dito, hindi na niya sinubukan ang kanyang ideya.
Ang balitang ito ay kalat na kalat sa mga nakatataas na opisyales sa Fire Worship Sect kaya alam niya talaga ito.