Matapos pumasok ni Duan Ling Tian sa Main Hall ng Enforcement Hall, ang una niyang nakita ay isang maluwag na bulwagan na mayroong hilera ng mga lamesa sa tatlong direksyon ng bulwagan.
Subalit, ngayon, karamihan sa mga lamesa ay walang tao.
Tanging isang lamesa lamang ang mayroong mga tao na nakatayo sa harap nito. Batay sa kanilang mga damit, ito ay mga disipulo ng Saint Land na mula sa Fire Worship Sect.
Subalit, ngayon, sila ay nakatayo sa gilid ng lamesa na tila mayroong hinihintay.
"Tila pamilyar ang taong ito..." Sa parehas na sandali, matapos marinig ng isa sa dalawang tunay na disipulo, na naunang pumasok bago si Duan Ling Tian, ang tunog na mula sa kanilang likod, siya ay lumingon kasabay nito.
Sa isang iglap lamang, tila pamilyar si Duan Ling Tian para sa kanya ngunit hindi niya maalala kung saan niya nakita si Duan Ling Tian bago ang sandaling ito.
Noong narinig siya ng isa pang tunay na disipulo, siya rin ay lumingon na.