Nais lumisan ni Duan Ling Tian.
Gayunpaman, papayagan kaya siya na Wen Yan na umalis?
Malamang ang magiging sagot ay hindi!
"Tatakas ka?" Naging malamig ang mga tingin ni Wen Yan habang sinambit ito. Sa oras na rin na iyon, nagbagong-anyo ang kanyang katawan na parang isang bagyo, sa isang kisap-mata lamang, narating niya ang harapan ni Duan Ling Tian at hinarang niya ito.
Para sa grupo ng mga disipulo ng Saint Land na papaalis ng Fire Remuneration Palace, ang eksenang ito ay talagang pamilyar.
Gayunpaman, sa ngayon, ang taong nangharang at ang humaharang ay biglang nagpalit.
Sa Fire Remuneration Palace, si Duan Ling Tian ang humarang kay Wen Yan pero ngayon, si Wen Yan na ang humaharang sa daanan ni Duan Ling Tian.