Sa loob ng pavilion, si Yue Wu Ying na lubos na nababalot ng itim na damit ay hindi maiwasan kundi ang mapailing iling nang marinig ang paguusap nina Han Xue Nai at Nangong Yi sa labas.
Natural, kilala niya kung sino ang tagapagmana ng Fog Rain Progeny.
Gayunpaman, ayon sa bilin ng Prophet Old Man, hindi siya nag salita sa harap ng magkapatid na Nangong.
"Iniisip ko kung anong uri ng Han Xue Nai makikita kapag nagkita sila ng isang baliw tulad ng nabanggit sa hinaharap,"Sa sandali na iniisip ito ni Yue Wu Ying , isang masamang ngiti ang makikita sa kaakit-akit na mukha na nakatago sa ilalim ng itim na damit, lalo na itong kataka taka, na nagbibigay ng pakiramdam na hindi pambabae o panlalaki.