Malamang, ang katotohanang hindi kayang patayin ni Yang Wen si Duan Ling Tian ngayon ay hindi nangangahulugang hindi niya kayang patayin ito sa hinaharap.
Ang rason kung bakit hindi niya magawang mapatay si Duan Ling Tian ay dahil kinatatakutan niya ang tuntunin ng Fire Worship Sect.
Sa hinaharap, kung makakakita siya ng pagkakataon, talagang kikitilin niya na ang buhay ni Duan Ling Tian at ipaghihiganti si Yang Wu, ang kanyang nakababatang kapatid!
"Ano ang ginagawa ni Senior Brother Yang Wen?"
"Mukhang hinihintay niya ang paglabas ni Duan Ling Tian?"
…
Sa oras rin na iyon, ang mga ikinilos ni Yang Wen ang umakit ng atensyon ng maraming mga disipulo ng Saint Land.
Napagtanto rin nila ang rason ni Yang Wen kung bakit siya narito, iyon ay dahil sa bagong disipulo na si Duan Ling Tian.