"Akala ko ay matapos magbago ng aking Innate Spiritual Root ay magiging mas mabilis pa kumpara rito ang bilis ng aking cultivation... Mukhang mayroon talagang limitasyon para sa mga pagbabago!" naintindihan ni Duan Ling Tian ang mga limitasyon matapos niyang magkaroon ng dalawang magkasunod na pag-unlad sa kanyang cultivation.
Bago niya naabot ang tuktok ng Divine Saint Stage, kaaabot niya lamang ng Mastery Divine Saint Stage at hindi matatag ang kanyang pundasyon. Dahil sa hindi pagiging matatag nito ay nagkaroon ng mga suliranin sa kanyang kasalukuyang cultivation.
'Kung hindi dahil sa mga suliraning ito, nakatipid sana ako sa aking oras ng mahigit 33%!' Naisip ni Duan Ling Tian sa kanyang sarili.