Nang lumabas ang 10,000 Swords Territory ni Duan Ling Tian, may nadiskubre si Gu Long. Bagama't mas malakas ang Territory ni Duan Ling Tian kumpara sa kaniya, dahil ang kanyang lakas ay nasa Mastery Exemplary Saint Stage pa lamang, pares ito ng kanyang Thousand Sabers Territory.
"Akala mo ba'y masisira mo ang aking depensa sa pagpapatibay ng iyong Territory! Walang kang alam!" Nasusuklam na tiningnan ni Gu Long si Duan Ling Tian.
Kumpyansa si Gu Long na hindi magagawang sirain ni Duan Ling Tian ang kanyang depensa kahit pa palakasin nito ang kanyang Territory.
"Wala akong planong gamitin ang aking Territory laban sa'yo," walang pakundangang saad ni Duan Ling Tian kay Gu Long. Huminahon siya nang makitang hinaharangan ng 10,000 Swords Territory ang tingin ng lahat. Nang marinig ni Gu Long ang kanyang sinabi, tila natamaan siya ng kidlat. Kaunting bakas ng takot ang sumilay sa kanyang mga mata.