"Imposible! Imposible! Susubukan kong muli! Kaya ko ito! Kaya ko ito! Mayroon akong berdeng Innate Spiritual Root. Imposibleng hindi ko maramdaman ang Heaven and Earth Spirit Energy!" Huminga ng malalim si Gu Chun at pinigilan ang kanyag pagkabalisa. Naramdaman niyang tila nababaliw na siya habang sinusubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili upang masubukan niyang maramdaman muli ang Heaven and Earth Spirit Energy sa Tertius house.
Dahil sa mayroong tatlong Spirit Gathering Formation sa Tertius house, ang Heaven and Earth Spirit Energy sa loob nito ay mas mayaman kumpara sa labas. Kahit na ganito, walang maramdaman si Gu Chun na Heaven and Earth Spirit Energy kahit na gaano niya subukan. Ito ay para bang kwartong walang kahit na anong Heaven and Earth Spirit Energy.
"Mayroong mali! Pagpatuloy! Pagpatuloy!" Nagsimulang mabalisa si Gu Chun. Patuloy niyang sinusubukan maramdaman ang Heaven and Earth Spirit Energy.