Masabi ni Zhong Qi Shan na ang boses sa likod ay nagmula kay Dugu, ang Leader ng Mountainshade Black Market.
Ayon sa tono ni Dugu, isa itong babala.
Subalit, habang gulat pa siya at hindi nakakakilos, nakaramdam siya ng isang nakakasikip ng dibdib na presyon sa kanya. Sa pagkakataong ito, tila ba hindi siya makahinga.
Bang!
Sa sumunod na pagkakataon, isang malakas na ingay ang umalingawngaw sa ere. Naramdaman ni Zhong Qi Shan na tila ba tinamaan siya ng isang malaking martilyo na agad siyang napalipad.
Whoosh!
Si Zhong Qi Shan ay napalipad na para bang isang palaso, at agad na nadurog sa kabilang bahagi ng bundok sa lambak nang isang anyo na para bang multo ang nagpakita sa likod niya sa saktong pagkakataon. Isang palad ang tila ba marahang tumulak gaya ng palad ng Diyos ng pigilan nito ang mataba at maliit na katawan ni Zhong Qi Shan sa pagbagsak sa bundok. Kahit na hindi naman niya ikamatay ito, maaari pa rin siyang mapinsalaan nang lubos.