Patuloy na lumipas ang oras. Hindi katagalan, iilang araw na lamang ang nalalabi bago dumating ang araw ng limang taong kasunduan.
Iilang mga pagod sa biyaheng mga anyo ang nagtungo sa pugad ng dragon clan. Sila ay ang tatlong batang lalaki at isang matanda. Sila ay walang iba kung hindi ang grupo ng mga tao galing sa Azure Cloud Mansion na pinamumunuan ni Mansion Master Duan Ru Feng. Maliban kay Duan Ru Feng, si Ku Mi, ang Revered Guardian ngĀ Azure Cloud Mansion ay naruruon din, kasama ni Duan Ling Tian at Gu Li.
Nang makita ni Gu Li ang lungga ng dragon clan na nasa kanilang harapan na, tumingin siya kay Duan Ling Tian at mataimtim na nagtanong, "Junior Brother Ling Tian, kumpiyansa ka talaga? Ang laban sa pagitan mo at ng Five-Clawed Golden Dragon ay hindi isang biro! Maaaring mawala ang iyong buhay sa isang maliit na pagkakamali lamang!"