Noong nakita ni Duan Ling Tian ang dalawang babae na nakatayo sa bawat gilid ni Duan Ru Feng, agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pananabik.
Ito ay ang kanyang ina, si Li Rou, at ang kanyang nobya, si Li Fei! Ang dalawang babaeng ito ang dalawa sa iilang pinaka importanteng babae sa kanyang buhay.
"Huh?" Subalit, agad na mayroong napagtanto si Duan Ling Tian, ang ina niya man, si Li Rou o ang kanyang nobya, si Li Fei, parehas silang mayroong ekspresyo na tila nagdadalawang isip noong nakita nila ito. Walang bahid ng saya sa kanilang mga mukha.
'Ay, muntik ko nang malimutan. Hindi pa ako bumabalik sa aking tunay na hitsura.' Sa parehas na sandali, naalala na ni Duan Ling Tian na hindi pa siya bumabalik sa kanyang tunay na anyo. Kaya pala tila nagdadalawang isip ang kanyang ina at nobya.
Swish!
Walang pagdadalawang-isip, kumilos na si Duan Ling Tian at dumating na para bang sigabo ng hangin sa harap ng apat na tao.