"Ang tuktok ng Eminent Saint Stage?" Nanlaki ang mata ni Zhao Ji nang marinig ang sinabi ng mga disipulo ng Mystical Sky Mansion mula sa angkan ng Zhao. Kahit na siya ay nataranta, lihim naman siyang natuwa. "Mabuti ay pinasok ko ang Divine Saint Stage. Kung hindi, hindi ko mapapatay si Ling Tian ngayon!"
Whoosh!
Sa ilalim mapagmasid na mata ng pangkat ng mga disipulo ng Mystical Sky Mansion mula sa Zhao Clan, ang kaniyang anyo ay nagliwanag at nawala sa himpapawid. Natural, hindi talaga siya nawala. Napakabilis niya lamang kaya mukhang ito ang tingin ng iba.
"Ang bilis ni Little Juniot..." Ang mga disipulo ng Myttical Sky Mansion mula sa angkan ng Zhao ay nagtinginan. Lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala.