''Ling Tian, nandito kami dahil umaasa kaming mananatili ka sa Myatical Sky Mansion at magtatrabaho para sa Myatical Sky Mansion!'' nahaharap sa tapatang tanong ni Duan Ling Tian, hindi na nag paligoyligoy pa si Meng Qing habang nagsabing, ''Hanggat gusto mo pang manatili, ang Mystical Sky Mansion ay hindi maglalaan ng pagsisikap para palakihin ka sa hinaharap. Lahat ng mga pangangailangan mo sa paglilinang ay ibibigay sa iyo nang walang pag aalinlangan. Hindi lamang iyon, pero ipapahayag ko rin na ikaw na ang susunod na Mansion Master ng Mystical Sky Mansion!'' ang tono ni Meng Qing nang nagsalita ay punong puno ng kaseryosohan.
Sa pagkakataong lumabas ang mga salitang iyon mula sa kaniyang bibig, ang mga pangkat ng mataas na antas ng mga opiayal ng Mystical Sky Mansion ay sabay na inilipat ang kanilang atensyon kay Duan Ling Tian.
Ang kanilang mga mata ay puno ng pag asa at pananabik.