Kahit na hindi siya naglakas-loob na kwestyunin si Zhao Ji, hindi nangangahulugan na susundin niya ang mga salita ni Zhao Ji.
Katawa-tawa!
Ang pagkakataong patayin si Ling Tian ay nasa harap na ng kaniyang mga mata! Siya ay isang baliw kung pakakawalan niya ang pagkakataon na ito.
Sa sandlaing patayin niya si Ling Tian sa Hall of Death, siya ay magiging ang ampon ni Zhao Jin, ang pinuno ng kanilang Zhao Clan!
Sa oras na iyon, ang kaniyang pusisyon sa Zhao Clan ay magiging kapantay ni Vice Mansion Master Zhao Deng. Kahit na hindi siya maaaring maikumpara kay Zhao Deng, siya ay mapupunta pa rin sa mas mataas na pusisyon kumpara sa iba. Kahit si Zhao Ji ay kailangan siyang tawagin bilang tito kapag nakita siya nito.
Sa sandaling maisip ito ni Zhao Kun, agad siyang nanabik. Paano pa siya magkakaroon ng paki sa sinabi ni Zhao Ji?