"Bakit mo ako paniniwalaan?" Bahagyang naguulat si Zhao Ji noong marinig niya ang sinabi ni Xu Jing bago siya kalmadong sumagot, "Paniniwalaan mo ako dahil wala ka nang ibang magagawa!"
Naisip talaga ni Zhao Ji na matataranta si Xu Jing matapos marinig ang kanyang sinabi.
Sinong mag-aakala na hindi maapektuhan si Xu Jing. "Walanng ibang magagawa? Oo. Hindi si Duan Ling Tian na Junior Brother ni Li Feng ang nais kong paghigantihan, si Li feng mismo. Kahit na magiging masaya ako kapag namatay si Duan Ling Tian, wala iyon sa akin sa sandaling maiisip kong buhay pa si Li Feng." Kalmado lamang si Xu Jing. Tila ba wala siyang pakialam kung buhay a o patay si Duan Ling Tian.
Nagulat si Zhao Ji. Hindi tumatakbo ang pangyayari katulad ng kanyang inaasahan.
Hindi ito dapat na ganito!