Malaki pa rin ang pasasalamat ni Duan Ling Tian kay Wang Fei Xuan kahit hindi niya ito malakas na sinambit.
"Tigilan mo na ang pagsasalita." Kumaway si Wang Fei Xuan at dominanteng pinigilan si Duan Ling Tian. "Natulungan na kita sa pabor mo, kaya sa'kin ka naman may pabor!"
"Natural lang na ibabalik ko sa'yo ang pabor." Ngumiti si Duan Ling Tian. "Nakahanap ako ng isang Divine Ability Relic noong nakaraang tatlong araw. Puntahan natin 'yon. Sa'yo na ang nilalamang Divine Ability ng Divine Ability Relics doon."
"Akala mo nga naman! May hula rin akong may papunta ritong Divine Ability Relic." Ngumiti rin si Wang Fei Xuan.
"Oh?" Medyo nagulat si Duan Ling Tian. Hindi niya inasahang may hula rin si Wang Fei Xuan patungo sa isang Divine Relic Ability maliban pa sa pagtulong niya kay Liu Jian na makakuha ng isang Divine Ability.