Matapos puksain ang maliit na pormasyon, umatras na si Duan Ling Tian sa tamang oras at iniwasan ang iba pang malaki at maliit na pormasyong nagmamadaling tumungo para sa suporta.
Pagkatapos, umasa si Duan Ling Tian sa kalamangang dulot ng kaniyang bilis at nagsimulang umiwas sa mga malaki at maliit na pormasyon. Kung hindi niya magagawang umatake sa kanila, hindi niya rin sila hahayaang mahawakan siya.
Ang kaniyang bilis ngayon ay katumbas ng isang Early Eminent Saint Stage Martial Cultivator kaya labis na imposible ito para sa mga sundalinh itong mahabol siya.
Sa ilalim ng ganitong mga pagkakataon, ginamit ni Duan Ling Tian ang parehong paraan at isa isang natalo ang mga natitirang pormasyon.
Matapos ang mahabang oras, sa wakas ay natalo na niya ang lahat sa mga ito.