Isa't kalahating buwan na ang nakalilipas nang makapasok sila sa Saint Martial Secret Zone.
Mas maraming disipulo ng Mystical Sky Mansion ang ang napatalsik sa Saint Martial Secret Zone, ngunit ang iba sa mga napaalis na disipulo ng Mystical Sky Mansion ay hindi umalis ng mabilis. Sa halip, ay naghintay sila sa harap ng entrada. Gusto nilang tanungin ang iba at kung ano ang nakuha nila. Maliban dito, ay gusto nilang makita kung gaano karaming tao ang nakaligtas sa loob ng tatlong buwan sa Saint Martial Secret Zone.
Sa oras na matapos ang tatlong buwan, ang lahat ng nasa loob ay awtomatikong mapapalabas ng Saint Martial Secret Zone. Kung hindi, kapag hindi sila napalabas ay nangangahulugang namatay na sila sa loob.